h1

Sino Si Dilan?

sino

Sa totoo lang, hindi ko talaga alam kung paano ko sisimulan ang pagsagot sa tanong kung sino nga ba ako, pero sa mga oras na ito (ngayon na!) kinakailangan kong pagsama-samahin at habi-habiin ang mga natatangi kong kaalaman sa aking sarili. Kung wala ka naman talagang balak na alamin pa kung sino ba talaga ako… pwede mo ka na umiskiyerda at kalkalin na lamang ang ibang nilalaman ng mga pahina nito, pero kung ako sa iyo… mas magandang alam mo ang “background” ng taong iidolohin mo kung dapat ba talaga siyang gawing isang huwaran… gaya ko (bwa ha ha ha!)

Badtrip ka na ba? Pwes, eto na!

          Ako si Dilan, hindi yan ang totoo kong pangalan, pero bilang isang writer (nangarap na naman!) kinakailangan ko ng pen name. Matagal ko nang ginagamit ang Dilan mula nang maging paborito ko ang isang karakter sa Anime na Flame of Recca na si Dilan Mikagami na sa totoong buhay pala ay si Tokiya Mikagami. Hayskul pa lang ako kilala na ako sa pangalang Dilan, hanggang sa ngayon. Ginamit ko na kasi ang pangalang Dilan sa lahat ng bagay, sa trabaho, sa paglalaro ng Red Alert, Yuri’s Revenge, Counter Strike (na hindi ko talaga matutu-tutunan), sa chatrooms, sa mga text messages, sa e-mail at sa kung ano-ano pang mga bagay.Ipinanganak ako noong July 12, 1985, dati pinatatanda ko ang sarili ko, lalo na pag manonood ng sine na R-18. pero nang lumaon, ibang dugas na ang ginagawa ko, huminto na kasi ang edad ko sa 18, ayoko na kasing lumagpas doon. Weird nga na nung hindi pa ako tumutuntong sa 18 ay iniisip kong gusto ko nang ma-tegibums para 18 nako forever. pero ngayon, nag-eenjoy naman ako kahit papano. Muntik na nga lang akong matuluyang ma-tegi nang maglaslas ako (he he he!).

Noong bata pa ako, tahimik ako at napakaseryoso, late-bloomer nga naman talaga ako kung happenings sa buhay ang pag-uusapan gaya ng pagpapaka-bangenge sa kaiinom, halos ubuhin sa paninigarilyo, halos nangangayayat na sa kapupuyat at halos mapraning na sa barkada. Mula sa pagiging SERYOSO hanggang sa pagiging SIRAULO. Hindi ko sasabihing SIKAT ako sa mga kaibigan ko although kapag nababanggit na ang pangalan ko… marami silang naaalalang masasayang sandali na kasama ako, at mga karakteristiks na kakaiba sa panlasa nila. Ako ang pinakakakaiba sa kanilang lahat. Pero ako ang pinakamalapit sa bawat-isa.

Nakakapraning akong kasama, madaldal, maingay, malikot at mapang-asar, buong kuwento ng buhay ko isinisiwalat ko basta may mapag-usapan lang sa panahon na bored na sa titigan ang mga kabarkada ko. ako yung hindi makakalimutan at talaga namang tumatak sa isipan nilang lahat.

Mahilig akong mangarap… ilan na rin naman ang natupad, pero hindi ako titigil sa pangangarap hanggat humihinga ako. Ako ang Prinsipe ng Pangarap hindi dahil ako ang tumutupad sa mga pangarap ng ibang tao. Pero dahil Tadtad ako ng pangarap at sinisikap kong abutin ang lahat ng iyon. Hindi ako bobo na umaasang matutupad ko ang lahat ng iyon, pero masigasig ako para gawing makatotohanan ang hindi at gawing posible ang imposible.

Ako si Dilan, ang prinsipe ng pangarap…
Yun lang…
At YUN lang!

13 mga puna

  1. ako ay isang desperadong writer. ikaw writer ka talaga. idol.


  2. ha ha ha. writer ba talaga ang tawag mo sa isang taong hindi marunong magsulat he he he. tnx tol, kaw pa lang ang nagsabi ng ganyan sakin!


  3. marunong ka naman e. ayos!


  4. ui eniweiz tnx ha!


  5. no prob, dee. wah. hindi pa ako natutulog ng maayos. may pasok pa ako.


  6. ha ha ha… tulog ka na kasi…


  7. Masarap maging writer lalo na kung un tlga ang hilig mo. Favorite kong writer eh si Bob Ong. Maganda ang mga books nya at recommended ko un. Nasasalamin sa bawat isa sa atin at d sya ganun ka-heavy intindihin. Basta, excellent sya.

    Malay mo Dilan, blogging is the start of reaching your dream na maging writer dba?

    PRINSIPE DILAN: uu nga sana po hahaha. tnx ha!


  8. Ur welcome.

    PRINSIPE DILAN: haha at sumasagot ka pa ha! hehe! :-)


  9. Natural! Dba u said “thank you”? In response, I should say “your welcome”. That’s a natural process. =p

    PRINSIPE DILAN: aba aba aba. nagtataray ah hehehe. :-)


  10. hmm, napadaan lang at nakibasa na rin :D

    PRINSIPE DILAN: salamat po ms. Kengkay!


  11. Hey dee buddee! Thanks for linking me up am sure ill be doing the same too! kita kits! :D

    PRINSIPE DILAN: salamat din banana ha!


  12. mga gong gong kau,jejeje


  13. jejeje



Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.