
Reunion!
Marso 13, 2008sa tingin ko. umeepekto na ang hindi ko pagkain ng rice. dati-rati kasi hindi ko makaya-kayang hindi kumain ng rice, at kapag nasimulan ko nang kainin eh tuluy-tuloy na. dalawang tulog na lang at Reunion na namin ng mga relatives ko… at hindi aman ako papayag na sabihan nila akong chubby, naku ha! kapag nagtuluy-tuloy na ang pagpayat ko… saka na ako mag-gi-gym. sayang BIRTHDAY pa naman sana ng MAMA ni Jericho sa Saturday, sakto namang Reunion yun… gusto ko pa naman na sana sila ulit makita at matikman ang uber-delicious foods na niluluto at hinahanda nila (diet ka jan!) pero hindi ako kakain ng kanin. PRAMIZ!
at siyempre masusubukan na naman ang talent ko sa pagkanta sa Saturday. nagtataka tuloy ako kung bakit hindi maganda ang labas ng boses ko kapag nakina Jericho at Joy ako. waaaaaaaah! sana naman eh maganda ang labas ng boses ko sa Reunion. kahapon lang, nagvideoke na naman kami sa Novis ni Herson at Mar, at pinalakpakan ako ng todo-todo at siyempre nakatanggap ako ng 4 song requests na parang trophy na sa akin. it means napakagaling ko hahahaha! naaawa tuloy ako sa iba, ayaw na tuloy nilang kumanta nang marinig nila ako.
o sige na hanggang dito na lang muna, napadaan lang aman po ako eh. hanggang sa muli ha!







videoke king! astig.
hey, sa pic mo ndi ka nmn mataba ah… pero reducing of rice intake will be a big help… gud luck sau… ex-link tau.