h1

Guzmanian Reunion!

Marso 4, 2008
guzman.jpg
GUZMAN COLLEGE OF SCIENCE AND TECHNOLOGY
March 25, 2008; 3:00PM
(para lang to sa mga ka-batch at friends namin dati ha!)

kailan lang. nagparamdam sakin ang kaklase ko dati sa Guzman na si Rap-Rap. niyayaya niya akong pumunta sa bahay nila kasama ang dalawa pa naming kaklaseng sina Ed at Ernest. pero sa kasamaang palad. nag-inarte si Ed at wala naman si Ernest, nang tinext ko naman si Ceejay, na isa pa naming kaklase eh kasalukuyang nasa dulo ng walang hanggan. tinext ko na lang ulit siya na hindi na nga kami matutuloy.

hanggang sa napag-usapan naming ituloy na lamang ang sama-sama sa March 25, 2008, birthday daw kasi ni Rap-Rap. sinabi kong pasabihan na niya ang lahat ng mga kaklase namin i-chain text niya kung maaari. gawin niya ang lahat ng mga POSIBLENG paraan para dumating ang mas nakararami. ilan na ang nagparamdam at nagsabing darating sila sa araw na iyon. sana lang matuloy. sa buhay ko maraming-maraming tao na akong namimiss, at hindi ko ibinaon sa limot. sana nga magsama-sama kami ngayon. balitaan, kumustahan, kwentuhan. alam kong magiging napakasaya nun.

kaya sa lahat ng mga taga- Guzman College of Science and Technology. kitakits na lang tayo sa March 25, 2008, alas-tres ng hapon sa mismong tapat ng school.

P.S. nagyaya nga rin po pala si Rose (Norhinia) Sema sa Pizza Hut Glorrieta, andun daw si Darrel. bahala na kung sinong sasama, sa Monday, March 10. manlilibre daw siya dahil birthday niya.

HAPPY BIRTHDAY SEMA!

2 mga puna

  1. kitakits na lang mga tol!


  2. ang saya naman. ui nakasulat sa una mong post sa 2008 na walang naka-miss sa’yo. mali ka. miss kita no.

    PRINSIPE DILAN: talaga Paurong este SuperPaurong? hehehe. kakatouch naman.



Mag-iwan ng Puna