
miss ko na!
Marso 3, 2008namimiss ko na naman ang mga kaibigan ko noon sa opisina. haiz, matagal na rin pala mula noong huli kaming magkita. hindi na nakakatext sina Joy at Jericho… me bago pa ba? eh antatamad naman nila talagang mag-load. si Eve at Andrea ayun at me mga balita pa rin naman… sa text na nga lang. Si Jessica, sa text din. Si Abbie, well asa pako sa intsik na yun eh minsanan lang naman talaga magtext yun kahit na noon pa. si Rose, balita ko ayos na sa buhay may-asawa. yung iba gaya nina Maan, Khin at iba pa naming katropa, hindi na bumabalita. at yung iba naman… nevermind.
minsan nakakatamad naring puro kuwentuhan na lang kami ng mga kabarkada ko ngayon dito samin. hindi naman lahat ng oras gusto kong maki-chikka chikka. namimiss ko pa rin yung dati. si ex-bestfriend… ayun at wala na talagang imikan. ewan ko nga ba kung bakit palagi ko siyang napapanaginipan with his wife na kailan lang eh nakahiwalayan niya. GUILTY siguro ako. pero sabi naman ng ex-wife niya, wag daw akong maguilty dahil wala naman daw akong kasalanan. dati pa raw niyang balak na hiwalayan yun. pero ewan kung bakit parang nagiguilty talaga ako.
PS: kakamoderate ko lang ng koment ni Joy.







nami-miss k n rin namin! yup, as always, alang load.. eh may landline nman db?
I tried to call you sa haus mo several times pero lgi k nsa labuyan!!!
miss you.. mwah!
weee! salamat sa pagdaan prinsepe dilan..