h1

kamusta na?

Pebrero 18, 2008

kamusta na? alam ko namang walang naka-miss sakin. pero dahil maepal ako… kailangan kong gumawa kahit napakaikling blog entry lang para sa sinumang trip din basahin ang mga isinusulat / itinatype ko.

dilansss.jpg

nitong mga nakaraang buwan… nakakapagtakang hindi man lamang ako makapagpost samantalang wala naman akong ginagawang mabuti – siguro tinatamad lang talaga ako or whatever. nawawalan ako ng gana, lalo pa at wala naman akong ginagawa maghapon magdamag kundi tumambay, makipagtsikahan etc. nga pala… namimiss ko na tuloy ang mga blogfriends ko at ang mga friends ko. ano na kaya ang mga pinagkakaabalahan nila? naaalala pa ba nila ako? maaaring oo, pero maaaring hindi rin. pero anu’t-ano pa man, namimiss ko na silang lahat – kayong lahat!

may mga bago akong kaibigan – sina Jhay-R, Jessie at King, lima na tuloy kami nina Herson na magkakasama palagi. madalas na nagkakatuwaan at madalas ring nag-ookrayan. nakakapagod at nakakapanakit ng katawan pala talaga ang pagjujumping-rope at pag teten-twenty. hindi na kasi sanay ang katawan ko sa ganung patibayang laro. lalo pa at may pagkalastik ang katawan ni Jhay-R. madalas naman na tampulan namin ng pang-aasar eh si Jessie, si Jessie… na mukha ngang lalaki, pero tadtad naman ng kaladian ang katawan. hindi na ulit kami nagpapansinan ni Ex-Bestfriend Arnold… (bakit kanyo?) ewan ko… talagang nababanas lang ako kapag nakikita ko siya. ewan, ah basta. patuloy ang sweet friendship namin ng ex-Mortal Enemy kong asawa ni Jordan na si Maritoni. tumaba si ang patpating si Joshua. buntis na rin si Jeng-Jeng – sinong ama? malamang si Ace.

gusto ko pa rin naman talagang magpost. at ngayon ko ulit sisimulan ang panibagong yugto ng blog na ito.

4 mga puna

  1. at talagang elastik ang katawan ko,, hahaha… nice journal by the way..

    PRINSIPE DILAN: at nambola ka pa? bwa hahaha! eniweiz…. para kasing goma yang katawan mo eh..


  2. welcome back! :D

    PRINSIPE DILAN: thankz… :-)


  3. welcome back. lagi me dumadaan..

    PRINSIPE DILAN: salamat kung ganon. akala ko nawala na ang lahat!


  4. :P whahehe long tym no look ahh.. magtext ka naman..

    PRINSIPE DILAN: para namang nagkita na nga talaga tayo. hehehe! by the way, nagpalit ka bang number?



Mag-iwan ng Puna