Imbakan para sa Pebrero, 2008

h1

paano ba kasi?

Pebrero 27, 2008

nitong mga nakaraang araw. merong nabuong plano sa utak ko. ano kaya kung kalimutan ko na nang biglaan, as in isang bagsakan si Jordan? alam ko mahirap yun, pero sa tingin ko naman, sanayan lang naman ang lahat ng bagay at sa tingin ko rin ay kakayanin ko.

oo mahirap. malamang sobra, pero basta ba huwag siyang magpakita pa sakin, malamang makalimutan ko na siya ng tuluyan. ang nagiging problema lang naman eh hindi ko kayang hindi siya pansinin kapag hindi siya dumarating. kaya tingin ko kung hindi naman siya darating, mas mapapadali. tingin ko kakayanin ko.

wish me luck. naisip ko kasing hindi ako makakaalis sa kasalukuyang ako kung hindi ko tutuldukan ang kwento namin.

h1

prakaping!

Pebrero 20, 2008

hindi na lumilipas ang isang buong araw na hindi kami nagkakasama-sama ng mga kaibigan kong sina King, Alex, Jaycee at Denz – minsan naiisip kong mas lalong nagiging komplikado ang lahat, pero looking on the brighter side, masaya. nadala na rin ako na sa bawat kasiyahan – may kakambal na kalungkutan. natatakot ang harapin ang mga maaaring mangyari, na magdudulot ng matinding kalungkutan. si Jaycee na sentro palagi ng asaran, si Alex na mala-henyo kung titingnan – whistle kung whistle ang labanan, si King na pa-sweet; sagad hanggang buto at si Denz – na puno ng kaabnormalan. hindi na kami makaiwas sa makakating dila ng mga tao. marami na ang umeepal.

madalas na rin akong dinadalaw ni Jordan – ewan pero ayos naman at masaya kapag nandiyan siya, pero kung wala naman okay lang din.

tinatamad na rin naman ako sa pagtambay, gusto kong magkaroon ng mas magandang katuturan ang buhay ko. namimiss ko ang mga kaopisina ko, sina joy, jericho, andrea, maan, eve, niall, joan, abbie, bunjon, jen, rose, jessica, lyn at carl. namimiss ko yung kwentuhan at kulitan namin noon. hindi ko namimiss yung trabaho ko, mas namimiss ko yung mga TUNAY na kaibigang nakilala ko. namimiss ko yung boss kong Koreano.

nagbalik na nga ng lubusan ang pagkakaibigan namin ng mortal kong kaaway na si Toni, pero minsan na-giguilty pa rin ako.

P.S: Badtrip ako sa mga taong umeepal sa buhay ko, yun bang mga taong akala nila eh alam na nila ang lahat – nag-fifeeling close at nagmamarunong sa mga bagay-bagay. ayoko ng mga taong CHISMOSA, siguro dahil walang ibang mapaglibangan. prangka ka na kung prangka pero alam kong PLASTIK ka din at BALIMBING pa! bakit? tataas ba ang sweldo mo? magiging boss ka ba ng kumpanya sa mga ginagawa mo? anuman ang gawin mo, DIYAN KA NA LANG SA KINALALAGYAN MO!

h1

kamusta na?

Pebrero 18, 2008

kamusta na? alam ko namang walang naka-miss sakin. pero dahil maepal ako… kailangan kong gumawa kahit napakaikling blog entry lang para sa sinumang trip din basahin ang mga isinusulat / itinatype ko.

dilansss.jpg

nitong mga nakaraang buwan… nakakapagtakang hindi man lamang ako makapagpost samantalang wala naman akong ginagawang mabuti – siguro tinatamad lang talaga ako or whatever. nawawalan ako ng gana, lalo pa at wala naman akong ginagawa maghapon magdamag kundi tumambay, makipagtsikahan etc. nga pala… namimiss ko na tuloy ang mga blogfriends ko at ang mga friends ko. ano na kaya ang mga pinagkakaabalahan nila? naaalala pa ba nila ako? maaaring oo, pero maaaring hindi rin. pero anu’t-ano pa man, namimiss ko na silang lahat – kayong lahat!

may mga bago akong kaibigan – sina Jhay-R, Jessie at King, lima na tuloy kami nina Herson na magkakasama palagi. madalas na nagkakatuwaan at madalas ring nag-ookrayan. nakakapagod at nakakapanakit ng katawan pala talaga ang pagjujumping-rope at pag teten-twenty. hindi na kasi sanay ang katawan ko sa ganung patibayang laro. lalo pa at may pagkalastik ang katawan ni Jhay-R. madalas naman na tampulan namin ng pang-aasar eh si Jessie, si Jessie… na mukha ngang lalaki, pero tadtad naman ng kaladian ang katawan. hindi na ulit kami nagpapansinan ni Ex-Bestfriend Arnold… (bakit kanyo?) ewan ko… talagang nababanas lang ako kapag nakikita ko siya. ewan, ah basta. patuloy ang sweet friendship namin ng ex-Mortal Enemy kong asawa ni Jordan na si Maritoni. tumaba si ang patpating si Joshua. buntis na rin si Jeng-Jeng – sinong ama? malamang si Ace.

gusto ko pa rin naman talagang magpost. at ngayon ko ulit sisimulan ang panibagong yugto ng blog na ito.