
tambay
Disyembre 19, 2007sa sinumang nilalang na babasa nito! kamusta ka na? na-miss mo ba ako? ako oo namiss kita… SOBRA! obvious ba. meri krismas nga pala and a happy new yir ha!
gusto kong mangaroling
gusto kong mamasko
pasko na naman at naaalala ko na naman yung mga masasayang pangyayari sa buhay ko.
krismas parti sa iskul
out of town wid da klasmeyts
krismas parti sa opisina
gimikan
ngayon eto ako nakatengga sa bahay, paminsan-minsan nanonood ng sine, mag-isa. masyado palang boring ang buhay kapag walang lovelife no? i hate being single yah know! kabanas. wala man lang akong kakulitan, kaharutan at ka-bolahan. yung mga dati kong kabarkada, hindi ko na nakikita, puro mga katextmate ko na lang sila. minsan nga hindi pa.
nagpapasalamat na rin ako at nakabati ko na ang mortal kong kaaway. hindi ko na sasabihin kung sino siya. basta mga taon na rin ang binilang nang huli kaming magkumustahan. at kumare ko na siya ngayon, kamustahin naman diba? andami na rin sa mga kabarkada, kababata ko ang may mga anak na at may mga sarili nang pamilya, samantalang ako eto, nananatiling single, hindi ko pa ata kasi nakikita ang tru lab na sinasabi ng iba. pero kung iisipin parang nakita ko na. pero nadulas pa at napalayo.
waaaaaaaaaaah! gusto ko na talagang magsimulang mag-aral para matuldukan na ang pagiging single ko, para hindi na ako ganito ka-bored sa life ko. para may pinagkakaabalahan naman ako.







oo na-miss ko toh… hehehe…
belated merry krismas sayoh at happy new year!!!