h1

Ethel Booba and Baron Geisler

Disyembre 18, 2007

napanood ko na naman ulit ang Pinoy Big Brother Celebrity Edition 2 kagabi. masaya ako kapag napapanood ko iyon, gaya siguro din ng iba na adik na adik dati sa Jewel In The Palace at Jumong. maganda pa rin naman tagala ang boses ni Ethel Booba dahil birthday niya at nag-mini concert siya sa labas ng Big Brother house.

nakakatuwa na mayron na naman siyang nagustuhang bago. si Will Devaughn. pero nang kinakausap siya ni Kuya sa Confession Room, nagpaalaman naman sina Will, Ruben at Riza sa labas. saktong nagyakap na sina Will at Riza nang biglang lumabas naman si Ethel at kitang-kita niya ang halik na naganap sa inaakalang bagong pag-ibig at sa isang bagong kaibigan. nagsabi pa siya ng “My God!”… wawa naman. pero wag sana niyang ma-misinterpret dahil nag-gudnayt lang naman sila sa isa’t-isa.

by the way… late na ito pero.

napanood niyo ba nang magkaroon sila ng party sa loob ng bahay ni kuya at nang malasing nga si Baron Geisler ay pinagmamamanyak ang lahat ng girls. lumabas na siya ang ultimate pasaway. bat ako galit kay Baron? hindi ako galit, nababanas lang ako sa mga ipinapakita niya sa loob ng bahay. kahit hindi nagsasalita ang mga babae, alam kong nababastusan sila kay Baron. niyayapos, hinahalikan, at hinihipuan na niya ang mga babaeng housemates. minura niya pa ng “Tangina!” si Big Brother.

nang laplapin niya si Ethel, halikan sa lips si Yayo, yapusin at paghahalikan si Mariel, yapusin at halikan si Gabby, nang hipuan niya sina Gabby at Ethel. hindi ba masasamang gawain iyon? bat hindi siya pinalabas? nakaligtas si Riza dahil nakahalata na ito sa kamanyakan ni Baron at lumayo na siya kaagad dito. kinabukasan, ipinanood lang sa kanya ang mga pinaggagagawa niya… nu ba yun?

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.