h1

Baron: Makasarili, Gladys: Pinakamaarte. LABAS!

Disyembre 10, 2007

as ussual, nanood na naman ako ng Pinoy Big Brother Celebrity Edition 2. nakukyutan ako kay Mariel na ngayon ay ang bagong Big Sister ng bahay ni Kuya (dami talagang pakulo nitong ABS) nakakatuwa kasi para siyang praning / baliw / siraulo… kasi makulet siya masyado sa kuwarto niya na siya lang mag-isa ang nananahan. halatang-halatang CRUSH na CRUSH niya si Jon.

on the other hand. nababanas pa rin ako kay Baron Geisler, napakamakasarili niya. biruin mo ba namang mapikon siya dahil mas pinili ni Jon na wag nang parusahan si Mommy Yayo at tanggalin na lang ang yosi. talaga nga namang adik sa YOSI ang kumag. paarte-arte pa siya halata namang wala siyang pakialam sa ibang housemates.

eto namang si Gladys Guevarra, pabagu-bago pa ng isip. paiyak-iyak pa sa harapan ng mga housemates GUSTONG-GUSTO na raw niyang lumabas ng Big Brother House. tapos nung kinausap naman siya ni Big Brother eh ayaw na niya. naks, pakitang tao talaga. malulungkot pa siya kunwari na na-evict si Donnie eh hindi naman sila masyadong close nun. tapos eto na naman at gusto na naman niyang lumabas. PALABASIN na nga yang hinayupak na yan!!!

nakakatuwa nga rin naman ang pagpo-propose ni Ruben sa live-in partner niya. me iyak talaga at luha. kaso pag-iisipan pa daw ng live-in partner niya. naku naman ate, pag-iisipan mo pa eh may mga anak na kayo ni Ruben ngayon ayaw mo pa pakasal. baka naman may iba ka na?

4 mga puna

  1. Hindi ko na gusto ang pbb ngayon. Mas maganda pa rin yung dati.. Dami na nilang pakulo ngayon pero yung iba hindi naman patok.. Ewan ko, baka ako lang siguro nakokornihan.. :D

    Si Gladys, naku naman, isa pang feeling.. kelangan yata ng atensyon ang loka..

    PRINSIPE DILAN: oo halatang kinakailangan talaga ng attention ng sobrasobra. LAOS na kasi. parang si Ethel. pero mas natutuwa pako ke Ethel, although papansin din naman. mas nakakatawa siya kesa sa kaartehan ni Gladys. oo naman mas maganda pa rin yung dati.


  2. Yes! naka hanap din ako ng pbb adik like me.. hehe! :D anyway hate ko din si baron.. sobrang selfish niya and paranoid. puro sarili lang niya iniisip niya.. mukhang di na talaga siya magbabago.

    PRINSIPE DILAN: hahaha… oo adik ako sa PBB. same nga tayo. at ayaw natin pareho yung kupal na Baron Geisler na yan.


  3. ei add na din kita blogroll ko ah.. :)

    PRINSIPE DILAN: salamat pare.


  4. nakaka-nosebleed panoorin yan.

    PRINSIPE DILAN: oo nga. hahaha!



Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.