
kaliwa’t kanan
Disyembre 1, 2007
boring pag nasa bahay lang…
boring pag walang trabaho…
lumabas ako ng bahay para magpagupit at pumunta sa dentist… sinalubong naman ako ni Joshua, isinasama ako sa SM Manila. tinawag niya si Arnold (o ayan hindi ko na ipinangangalandakang ex-bestfriend ko siya) ayoko pa sanang sumama, pero wala rin naman akong gagawin sa bahay. pero sa totoo lang tinatamad ako.
nag-jeep lang kami, at buti naman dahil alam ko na ang papunta sa main building ng Universidad de Manila na eenrollan ko sa Monday. dagsa na naman ang mga raliyista sa daan kaya trapik… SOBRA! hinanap namin nang hinanap si Jasmine (ang asawa ni Arnold, kapatid ni Joshua, ina ng dalawang batang sina Ashanti at Amerie) pero nabigo kami. nagpalipas-oras muna kami sa palaruan ng mga bata (sa arcade, yung may carousel) nakailang token din sa mga rides ng mga bata na wala namang ginawa kundi umuga-uga lang (nakakatuwa ba yun?) hindi pa rin namin nakita si Jasmine kaya ikot-ikot na lang kami, matagal-tagal na rin naman akong hindi napapadpad sa SM Manila mula noong hayskul pako. kung saan eh si Arnold ang palagi kong kasama… ang dahilan, alam mo na CUTTING CLASSES!
nagkayayaan kaming kumain – sa KFC sana, pero sabi ni Joshua sa Rice in a Box na lang daw, tutal ayoko rin naman gumastos ng malaki – mas ginusto ko ang Rice in a Box – pero sa Kamay Kainan kami napunta.
natatawa ako nang makita ko ang set-up. susubuan ni Arnold ang dalawang anak – kaliwa’t-kanan. buti nga at behaved naman ang mga bata kahit maliliit pa ito. napagkatuwaan ko tuloy kunan ng larawan (tingnan sa simula ng entring ito) “ang saya no” ang sabi ni Arnold sakin, natawa na lang ako. tingin ko oo para sa mga tatay pero sa mga wala pang mga anak na kagaya ko – HINDI! masyadong komplikado ang sitwasyon, nakakapagod lalo pa at maliliit pa ang mga bata.
pero sa totoo lang, nag-enjoy ako… sa panonood sa kanilang tatlo. nakakatawa pero sa isang banda, nakakalungkot… Wag Mo Nang Itanong Kung Bakit.







cute ng mga chikitings!
gusto mo na siguro magkaanak. hehe joke.
darating din tau jan..
kyut kasi mga bata. kaya ka siguro natuwa.
fevoryt song mo tlga yan noh… kaya di ko na itatanong kung bakit…
pero dahil jan… ni-tag kita…
http://enelym001.wordpress.com/2007/12/05/2007-christmas-tree-blog-parade/
at wag mo na rin itanong kung bakit kita ni-tag… orayt???
hehehe.. hi Ashanti & Amerie!!! para lng kayo ung napapanood kong mga singer ah!
I find that really sweet! It’s so nice to see dads and their children being affectionate
joy
Norwich Daily Photo
The Goddess In You
Your Love Coach
inzan san na ung signature ko.. hehe musta ka na po?