
pumunta ako kahapon sa bahay ng dati kong opismeyts at ngayon ay mga matatalik ko nang kaibigan na sina Joy at Jericho. sakto naman ang dating ko dahil birthday pala ng prinsesa ng bahay nila na si Arrouni (isang dalawang taong gulang na bata) hindi mo aakalaing 2 years old pa lang siya sa sobrang bibo nung bata. napakagaling magkabisado ng mga bagay-bagay, from alphabet, number to product labels. naaliw nga ako kasi nung una nahihiya pa yung bata sakin although ilang beses na rin naman niya akong nakita, maya-maya naman eh katabi ko na siyang nakaupo at nagpapasikat na.
from simple handaan – nauwi sa bonggang kasiyahan. isa-isang nagdatingan ang mga bisita. parang children’s party talaga ang dating AS IN! dumating yung mga kaibigan, kabarkada at kasamahan sa trabaho ng dady PeeWee nung bata. from 20 pataas ang mga tao. at si Arrouni lang ang bata. ang ingay, ang kukulit, ang sasaya.
dapat talaga sandali lang ako pero dahil enjoy, abutin ba naman ako ng midnight hahaha IMAGINE THAT! nag-inuman, nagkuwentuhan, nagkulitan, nagvideoke. wala nang pakialamanan basta kumanta ang gustong kumanta. iba-ibang mood… nakakatawa pa nung Rock and Roll sama sama-sama kaming parang isang banda. ANG INGAY! with matching talunan talaga. Rakrakan na talaga! sayang nga at hindi namin kasama sina Eve, Maan, at Andrea….. me balak pa naman akong IASAR kay Eve.
masaya pa lalo nang yung CD na ng boyband ang isinalang, pa-boyband effect talaga. WALANG KATULAD. nakita ko ang MAKULIT NA PINOY VERSION ng Westlife (Wishlayp) Backstreet Boys (Barako Boys) at A1 (Ewan)… ang saya talaga UBER!!! tingin ko mauulit pa yun at malamang sa b-day ni Joy.
kapag may time ako ipopost ko naman ang Concert Videos ng mga pasaway na boyband! ABANGAN!!!
HAPPY BIRTHDAY ARROUNI!










