h1

eto na po!

Nobyembre 19, 2007

marami na namang mga nangyari. pati ang talaaraawan ko hindi ko na naa-update. hindi naman ako masyadong busy pero ewan ko nga ba at pati ang mga simpleng mga personal na bagay ko eh hindi ko na nabibigyan ng panahon.

—————————————

kahapon, magkasama kami nina Jasmine at anak nila ni Arnold na si Ashanti. nagpasama kasi si Jasmine na bumili ng sapatos para sa new job niya. umikot kami sa mall. kumain sa labas, nag-grocery… ngayon lang ata ulit naulit yung dati. ipinahiram niya rin sakin ang contact lens niya, pero namula na lang ang mata ko at nanakit pero hindi ko talaga mailagay. NAKU NAMAN! bat ba naman kasi kulay itim ang mata ko, sana naging brown man lang para medyo foreigner ang dating hehehe. boring ang maghapon, pwera na lang nung umalis nga kami nina Jasmine at Ashanti.

nakita ko si Jimboy (kapatid ni Jordan) kasama daw niya si Toni, at si Jordan ay naiwan para magbantay ng mga bata. nagpagawa nga din pala ako ng SSS ID Card – at hindi ako masyadong satisfied.

last FRIDAY, pumunta kami sa bahay ng officemate namin na sina Jericho at Joy, doon eh kumain kami nang kumain, nanood ng walang kapantay na “Transformers”, uminom ako mag-isa at saka kami nag-videoke, dahil nga nakainom ako – hindi ako pinapasok sa Station ng LRT 2. bawal daw ang “amoy-alak”… PUCHA nag-jeep tuloy ako ng di-oras.

wala na rin namang exciting pa na mga bagay. yun na yun!

sign forever

4 mga puna

  1. perincipe dylan.. na praning tlaga ako mukhang wla k talagang gana magpapicture at hindi mukhang mhal n mhal mo ang sarili mo… pwede k n tlagang maging tunay n prinsipe.. prinsipe ng fans club ko… hehehe. add kita s blog roll ko ha salamatski..

    PRINSIPE DILAN: no comment :-) add me up. add sana kita kaso la namang link pabalik sa blog mo.


  2. Great Blog. I think i’m gonna be here always..

    PRINSIPE DILAN: tnx.


  3. papansin lang ako sau…hi…ayan i’m back na…salamat sa pagbabasa ng post ko;))

    PRINSIPE DILAN: hahaha. tnx sa pagbisita at pagpapapansin ha! luv yah!


  4. happy family? dpat pla gumawa ka dn ng family tree..wahehe

    PRINSIPE DILAN: ui tumigil ka nga jan hehehe!



Mag-iwan ng Puna