
Wag Mo Nang Itanong Kung Bakit!
Nobyembre 11, 2007
sa totoo lang. sa ngayon, hindi ko na kilala ang sarili ko. after all these years of sadness, a little bit of happiness and unforgettable experiences, sa tingin ko, isa na akong panibagong tao.para ngang naranasan ko na talaga ang lahat ng dapat maranasan… siguro!
nagmahal na ako at nasaktan, iniwanan at binalikan – saka iniwanan ulit at pinaasa. nakapunta na ako sa mga places na hindi ko pa napupuntahan. at nangyari na ang mga bagay na hindi ko inaasahan. naging estudyante, empleyado – at nangangarap na maging estudyante ulit. nakaharap at nakasama ko na ang sa tingin ko’y pinakamabubuting tao, pinakamasasama, pinaka-sweet, pinaka-professional, pinaka-plastic at pinaka-epal. i’ve experienced every part of being a person. i guess.
now, magsisimula na naman ako sa isang panibagong chapter ng life ko. and i hope i can make it through the flaming circle. nang walang kahit na anumang galos, at kung meron man sana’y sunog na balahibo lang or paso na maaaring tumubo at maghilom in just a short period of time. without scars.
meron akong mga naiisip na gawin sa panibagong chapter na ito, and i want to make it happen… NOW NA! i just hope na whatever these changes and revelations in my personality, sana walang magbago sa mga taong mahahalaga sa buhay ko like my family, friends, relatives and love interests.
kaya sa iyo! wag mo nang itanong kung bakit! basta’t maniwala ka.








nabuhayan ako sa sinabi mo ah. sige maniniwala na lang ako. hehehe
haaaaaay.
o sige wit ko na itanong.. basta gudlak ever kung ano man yan kafatid.
hataw ang site mo bro ah..tindi ng mga graphics.. xlink mo ako ok lang? txs. meri c!
kuya AJ