kung me klas piktyur, mawawalan ba naman ng opis piktyur, okay sige dis is so hayskul, pero ano magagawa ko – gusto ko ng ganitong trip.

itutuloy… (may karugtong ituh!)

kung me klas piktyur, mawawalan ba naman ng opis piktyur, okay sige dis is so hayskul, pero ano magagawa ko – gusto ko ng ganitong trip.

itutuloy… (may karugtong ituh!)

hindi ko alam kung ano ang mangyayari – naghihintay ako sa isang bagay na walang kasiguruhan. pero ngayon, handa na ang lahat… isang linggo na lang ang hihintayin ko at matatapos na ang lahat! ano na kaya ang susunod na adventure ko???

abangan ang susunod na kabanata!

marami na namang mga nangyari. pati ang talaaraawan ko hindi ko na naa-update. hindi naman ako masyadong busy pero ewan ko nga ba at pati ang mga simpleng mga personal na bagay ko eh hindi ko na nabibigyan ng panahon.
—————————————
kahapon, magkasama kami nina Jasmine at anak nila ni Arnold na si Ashanti. nagpasama kasi si Jasmine na bumili ng sapatos para sa new job niya. umikot kami sa mall. kumain sa labas, nag-grocery… ngayon lang ata ulit naulit yung dati. ipinahiram niya rin sakin ang contact lens niya, pero namula na lang ang mata ko at nanakit pero hindi ko talaga mailagay. NAKU NAMAN! bat ba naman kasi kulay itim ang mata ko, sana naging brown man lang para medyo foreigner ang dating hehehe. boring ang maghapon, pwera na lang nung umalis nga kami nina Jasmine at Ashanti.
nakita ko si Jimboy (kapatid ni Jordan) kasama daw niya si Toni, at si Jordan ay naiwan para magbantay ng mga bata. nagpagawa nga din pala ako ng SSS ID Card – at hindi ako masyadong satisfied.
last FRIDAY, pumunta kami sa bahay ng officemate namin na sina Jericho at Joy, doon eh kumain kami nang kumain, nanood ng walang kapantay na “Transformers”, uminom ako mag-isa at saka kami nag-videoke, dahil nga nakainom ako – hindi ako pinapasok sa Station ng LRT 2. bawal daw ang “amoy-alak”… PUCHA nag-jeep tuloy ako ng di-oras.
wala na rin namang exciting pa na mga bagay. yun na yun!



sa totoo lang. sa ngayon, hindi ko na kilala ang sarili ko. after all these years of sadness, a little bit of happiness and unforgettable experiences, sa tingin ko, isa na akong panibagong tao.para ngang naranasan ko na talaga ang lahat ng dapat maranasan… siguro!
nagmahal na ako at nasaktan, iniwanan at binalikan – saka iniwanan ulit at pinaasa. nakapunta na ako sa mga places na hindi ko pa napupuntahan. at nangyari na ang mga bagay na hindi ko inaasahan. naging estudyante, empleyado – at nangangarap na maging estudyante ulit. nakaharap at nakasama ko na ang sa tingin ko’y pinakamabubuting tao, pinakamasasama, pinaka-sweet, pinaka-professional, pinaka-plastic at pinaka-epal. i’ve experienced every part of being a person. i guess.
now, magsisimula na naman ako sa isang panibagong chapter ng life ko. and i hope i can make it through the flaming circle. nang walang kahit na anumang galos, at kung meron man sana’y sunog na balahibo lang or paso na maaaring tumubo at maghilom in just a short period of time. without scars.
meron akong mga naiisip na gawin sa panibagong chapter na ito, and i want to make it happen… NOW NA! i just hope na whatever these changes and revelations in my personality, sana walang magbago sa mga taong mahahalaga sa buhay ko like my family, friends, relatives and love interests.
kaya sa iyo! wag mo nang itanong kung bakit! basta’t maniwala ka.



“Dee, hinahanap ka ni Jordan, nung pumanik naman ako wala ka naman daw doon, nakaalis ka na daw!” and laman ng text sakin ni Mark. Kasalukuyan akong may ginagawang importanteng tapusin that time kaya hindi ako pwedeng umuwi kaagad-agad. “Dee, andito si Jordan, pumunta daw siya sa inyo pero umalis ka daw… hihintayin ka daw niya, nasan ka ba?”, ang text naman ni Norton (kuya ni Jordan) makalipas ang isang oras. Pero kailangan ko pa rin talagang tapusin ang ginagawa ko kaya hindi talaga pwedeng umalis nang ganun na lang.
“Kamusta ka na?”, ang salubong niya sakin nang magkita kami sa kalsada. “Tarantado ka! Anong petsa na?” ang sagot ko sabay suntok sa braso niya. Sa loob ng isa’t kalahating buwan, masyado nang humaba ang buhok niya, tatay na tatay tuloy ang tingin ko sa kanya. Pero hindi naman nagbago ang mukha niya, yun nga lang umitim siya. Niyaya ko siya sa birthday ni Jasmine, although hindi dapat kami dapat makitang magkasama ng kahit sinong taga sa amin – sabay kaming pumasok sa street naming – wala na akong pakialam sa anumang mangyayari.
Hindi man nagpakita ng pagkabigla sila Julia, Jasmine, Arnold, Herson at Joshua, halata sa mga tingin nilang parang nagwiwika ang kanilang mga isipan, “Bat nandito yan, kala ko ba wala na siya?”… Kaming dalawa lang halos ang nag-usap sa simula hanggang sa dumating naman ang Tatay ni Arnold na si Kuya Andy na kabarkada naman ng namayapa kong ama, matutulog na daw sana siya pero nang marinig na dumating nga ako, nakisali ulit siya sa inuman, kung wala na daw ang tatay ko, kami na lang daw ang magkainuman. Hindi gaanong nagsasalita si Arnold, paano ba naman, ngayong medyo nagbalik na yung dati naming samahan – yun ay dahil nawala nga si Jordan – saka naman bumalik tong ugok na ito.
Nalasing ako at lumabas ang kakulitan, kadaldalan at kapraningan, dahilan para maging close kami ng ate ni Arnold na si Marie. “Sana noon pa tayo naging close!” ang sabi niya habang tawa nang tawa sa mga pinaggagagawa kong katatawanan. Nakikita kong lihim na sumusulyap naman si Jordan sakin, para bang nagtatanong na.. “Napakalaki na ng ipinagbago ni Dee, masyado na siyang masayahin!”. Masyado ring sweet ang mga anak nina Arnold at ni Jasmine sakin that time na sina Ashanti at Amerie.
Nagkayayaan kami sa videokehan sa kanto, kasama si Marie, Herson, Jordan at Arnold. KUmanta ako ng kumanta na parang sabik sa atensyon, hindi ako nabigo, halos lahat nakatingin sa akin at lahat eh pumapalakpak. May ilan pang nakipag-duet sakin, na pinagbigyan ko naman. Napahiya pa si Jordan nang pilitin niyang mag-duet kami sa isang kanta pero sa ibang tao ako nakipag-duet. Bumawi naman ako at nag-duet kami sa “Kahit Isang Saglit!” Labi sa labi ang labanan, wala nang nahihiya samin pareho.
Pak! Pak! Pak! Ang tatlong magkakasunod na sampal na ibinigay ko kay Jordan, lumipas na ang tatlong oras, kasalukuyan kaming nasa bubungan ng bahay naming, sinundan niya ako matapos siyang magwalk-out sa pag-aaway naming sa kalsada. Hindi ko siya sinundan, hinabol o anupaman, tiningnan ko lang siyang papalayo – hindi ako umiyak, umuwi ako sa bahay at dumiretso sa bubungan – ang tanging lugar na pinaglalabasan ko ng sama ng loob, maya-maya dumating siya. “Hindi mo man lang ako sinundan!” ang sabi niya. Saka ko siya pinagsasampal. “anong akala mo sakin, kagaya pa rin ng dati? Tangina ka pala eh, nagtataka nga ako kung bat bumalik ka pa, Masaya naman pala na wala ka… hindi ka na kawalan sakin sa ngayon, marami na akong nakikilalang tao, na enjoy naman kasama, sinanay mo ako sa ganitong klase ng pagkikita patago, paminsan-minsan at walang kasiguruhan, sanay na ako, at sana nama… ummmp!” tuloy-tuloy akong naglilitanya nang putulin niya ito ng isang mainit na halik… sa labi. Nag-usap kami ng maayos at mahinahon.
Sumisilip na ang haring araw, tanda ng isang napakagandang bukang-liwayway.



November 1, 2007 – THURSDAY
tanghali na akong nagising. hindi na naman ako nakasama sa sementeryo para dalawin si papa. pumunta ako sa SM Sta. Mesa, bibili sana ako ng Micro SD Card para sa phone ko pero out of stock naman sa CDR King, bibili sana ako sa mismong Samsung pero Php 1,300 naman samantalang sa parehong tatak at laki ng memory na 1gig eh makukuha ko iyon sa halagang Php 600 sa CDR King. Pumunta rin ako sa SM Manila, tumingin na rin ng Micro SD Card at dumaan sa TIMEX para i-claim yung TIMEX watch from HSBC. Nag-inuman kami nina Herson at Norton sa In and Out sa Avenida, naka 14 bottles kami, pero iniwanan naman kami ni Norton dahil nalasing na daw siya, itinapon ko sa CR ang tatlong natirang bote ng Colt 45. Pumunta ako sa bahay nina Arnold kung saan andun sina Jasmine at Julia, nagkuwentuhan kami at kumain ng Mister Donut.
November 2, 2007 – FRIDAY
late na ako nagising, pumunta ako sa office dahil pinapupunta daw ako ni Mr. Sohn – hinintay ko lang naman yung text nila dahil sabi nga ni Mr. Sohn eh magtetext muna siya kung pupunta ba ako. natapos ko naman ang alinmang dapat gawin doon. Umuwi ako kaagad – Birthday ni Jasmine and i have to be there. bumalik si Jordan at isinama ko siya sa Birthday. naging napakasaya ng buong gabi. sa sobrang pagkabangenge ko eh lumabas talaga ang kakulitan ko, na naging clown sa buong gabi. Nasalubong namin ni Jordan si Bench – hindi naging maganda ang usapan, nagkakailangan. mag-uumaga nanng matapos ang lahat.
November 3, 2007 – SATURDAY
late na naman ako nagising, hindi na naman ako nakapagsimba. maghapon lang akong nagpahinga, nasobrahan ako sa inuman kagabi. una DON LUIS na hard, GILBEY’s na may halong Pomelo ata iyon, at siyempre Red Horse. paos na paos pa ako, siguro dahil sa kakakanta ko kagabi. text naman ng text si Bench. walang kakwenta-kwentang araw – napakaboring.
November 4, 2007 – SUNDAY
nakakatamad talaga at feeling ko ay magkakasakit ako sa sobrang boring ng buong buhay ko today. I just hope i’ll be happy tomorrow na lang hehehe! by the way… i don’t have money hahahaha!
November 5, 2007 – MONDAY
unang araw ng pasok for November hehehe! ayos na ayos pero naasar ako sa isang topic na tungkol sa DC, nyemas! pumunta nga pala kami ni Rose sa Greenhills para humanap ng Casio Exilim pero wala kaming nakita kaya dumiretso kami sa SM Megamall na tinagtag naman kami ng traffic. Pero siyempre wala pa rin kaming nahanap. bwisit kasing magnanakaw yan eh! hindi na lang mamatay. Bakit ba naman kasi may mga tao pang sadyang makakapal ang apog para kunin ang mga “mahahalagang bagay” sa ibang tao. BURN IN HELL!
November 6, 2007 – TUESDAY
bwa ha ha ha ha! la naman nangyari… GUILTY BA? hahaha! halata tuloy na guilty siya. well eniweiz, naging maayos naman ang takbo ng lahat. nakuntento na talaga rin siguro ako sa takbo ng mga bagay-bagay sa buhay ko. bwa hahaha!
November 7, 2007 – WEDNESDAY
hindi ako na late. masaya sa opis, lalo pa nang umalis naman ako ng mas maaga kasi nga me lakad kami nina Mar, Herson, Omay – hindi naman talaga lakad, inuman galore lang bwa hahahaha. nag-away sina Mar at Herson kaya naisip namin ni Herson na tumuloy pa rin sa MC – dabest pa rin naman. harutan na kami nang harutan ni Bench (close na ba talaga???) si Herson naman, napakaamong tuta. bwa hahaha. madaling-araw na kami umuwi pero enjoy kaming pareho.
November 8, 2007 – THURSDAY
nababanas ako dun sa mamang katabi ko sa bus. napakainit pa naman ng panahon, solohin daw ba ang aircon! tinutok niya talaga sa mukha niya yung dalawang labasan ng lamig. kabanas, pinagpawisan talaga ako. naaasar pa ako dahil ipinangangalandakan niya yung mukha niya sakin, feeling ko nga bading yun eh. kabanas. ututan ko nga! (joke lang hehehe!) na late ako dahil sa sobrang trapik. masyadong tahimik sa opisina.
