
October 2007
Oktubre 1, 2007
===========================
October 1, 2007 – MONDAY
haiz. ulan naman ng ulan! minsan tuloy kakabanas – maputik kasi – pero minsan ayos lang, malamig kasi ang panahon. pero iba na ang usapan kapag BAGYO na! but eniweiz, maaga ako nagising at magpapagupit nga sana ako pero hindi naman natuloy dahil nga ala naman yung paborito kong barbero, dahil siya lang naman ang nakakaalam ng “tamang look” para sakin – kaya kinakailangang siya lang ang manggupit sakin, tumatakbo kasi ng pagka-kagawad ang hayup na yun kaya napapabayaan na niya ang barberya niyang siya lang naman ang nanggugupit. hindi ako na-late… kakatakot kanina sa office – nagagalit si bossing dahil sa punyetang program, pero naayos naman. hindi ko na tuloy alam ang gagawin ko at kung papaano ako makakapagsend ng mga komento sa Me Too na yun.
October 2, 2007 – TUESDAY
kamustahin naman natin ang lakas ng bagyo huhuhu
kakabanas kasi super-porma pa naman akong pumasok sa office tapos paglabas ko pa lang ng bahay eh nagwawala na ang ulan. waaaaaaaaahh! kabanas kaya! sana naman hanggang ulan na lang muna, mahirap kasi pag bagyo na ang pinag-uusapan eh MALUPIT! well eniweiz eto ako ngayon sa opisina at nagsisisi kung bakit hindi ko ba tinuluyang isuot yung jacket na Dickies na ibinigay sakin ni Ace, kabanas tuloy sa sobrang lamig. inayos ko yung mga pwesto ng teachers kanina, at least hiwa-hiwalay na at mas maayos na ang itsura hehehe! bukas la na namang pasok at may usapan na naman kami nina Mar at Herson ng inuman hehehe.
October 3, 2007 – WEDNESDAY
wala kaming pasok sa ngayon dahil nga KOREAN holiday. maaga pa lang kinukulit na ako nina Mar at Herson – hapon na akong nagising dahil nga hapon naman yung usapan naming mag-inuman. shala kami kasi pumunta muna kami sa In or Out Bar kung saan nag-videoke kami ng wantusawa – at may nakita pa kaming EYECANDY. haha dabest! tapos dumiretso kami ng mall kung saan eh nag-videoke na naman kami sa CENTERSTAGE kakapalan nga naman ng mukha ng mga bangenge… – pagbaba namin, hinatak ko sila sa Goldilocks para doon na mag-dinner. ayos na ayos – saka naman kami dumiretso ng Novi’s KTV para ituloy ang inuman at videokehan. bangenge talaga kami to the highest level at nang-asar na naman ako sa mga chizmozang neighbors namin. nakatulog kaagad ako.
October 4, 2007 – THURSDAY
napakaaga kong nagising saktong 3:00 AM, me hangover tuloy ako at napakasakit ng ulo ko. kumain na lang ako at nanood na lang ng TV. natulog ulit ako ng 7:00 AM, nagising naman ako ng 11:10 AM para mag-ready nang pumasok. nagkita na kami ni PAURONG (Emo Sevenfold), kasi ibinigay ko na nga sa kanya yung CDs ng mga collection ko ng Movies na pina-BURN ko kay Jericho. hindi naman kami nakapag-usap man lang ni PAURONG kasi parehong me gagawin pa kami. sabi ko next time na lang. nakakatuwa kasi nung nasa bus nako papuntang office – me sumakay na napakagandang kolehiyala, andami kayang bakanteng upuan sa harapan (nasa bandang gitna ako!) pinagtitinginan talaga siya ng mga tao (including mga babae – maganda talaga siya) biruin mo ba namang sa akin pa tumabi. WAAAAAAAAAH! nanindig talaga mga balahibo ko sa sobrang KILIG – yun ang masasabing KILIG TO THE BONES! anlamig na nga ng aircon lalo pa akong nilamig kasi katabi ko nga siya. nagpaka-gentleman ako at itinutok ko sa kanya yung isang labasan ng lamig ng AIRCON. bwa hahahaha!
October 5, 2007 – FRIDAY
nakz naman FRIDAY na naman. himalang nakatulog ako ng 2am. nagising akong nakangiti sa sobrang saya at nakatulog nga ako ng maayos kagabi. nakakatuwa kasi nga hindi ako na-late or whatever na hindi magandang nangyari. kaso pinapupunta ako sa Immigration sa Lunes – kung saan ako nakaranas ng kauna-unahang holdap. hindi ko na lang dadalhin ang fone ko. at sobrang ingat dapat – kung kinakailangang mag-taxi, magtataxi ako. nirereformat na namin ni Jericho yung mga PC para hindi naman sabihing wala akong ginagawa. wala ngang kwenta yung mga posts ko dito eh. la kasi ako sa mood!
October 6, 2007 – SATURDAY
bangenge kami nina Romnick at Joshua, nagkayayaan kasi kaming mag-inuman sa bar dahil wala lang. trip lang namin. nakailan din ako, nakipagsabayan kasi ako ke Romnick samantalang alam ko naman na matinding manginginom yun. mga 3am na kami nagsiuwian. nang pumasok nako sa bahay, sumilip muna ako sa Gendai (ang dati kong kuwarto na kasalukuyang tinitirhan nina Marit) andun sina Jaypee, Marit, Ron, Pocz, at Tina, niyaya nila akong uminom at siyempre hindi ko naman sila tinanggihan, syempre gusto ko rin naman silang maging kaibigan. so yun na nga nauwe sa umabot na kami ng umaga sa pag-inom at sumusuka na talaga ako (kakahiya nga eh) pero kumain muna kami sa Valencia. nagising akong napakatindi pa rin ng hangover. ilang beses akong bumalik sa pagtulog, nang bumaba na ako – hindi na namin naituloy yung usapan naming inuman na naman ng 6pm. pero masaya ako kasi me mga bago akong kaibigan. nagkuwentuhan na lang kami ni Herson bout last night, sayang at hindi siya nakasama.
October 7, 2007 – SUNDAY
maghapon na naman akong nasa bahay kain-tulog-nood ng TV. pinanood ko din yung laban nina Manny Pacquiao at Barrera, siyempre panalo na naman si Pacman – sa totoo lang hindi ko talaga gusto si Manny Pacquiao at yun ay dahil sa hindi ko naman talaga gusto ang panonood ng boxing – pero in fairness, natuwa ako at nanalo siya, siguro kasi isa na naman itong achievement para sa mga Pilipino.
October 8, 2007 – MONDAY
maaga akong nagising kasi pumunta ako ng Bureau at Immigration – syempre medyo kabado ako dahil kamakailan nga lang eh naholdap ako ng mga tukmol na rugby boys – so handa na ako na anytime na may sumakay na hindi maganda ang ikot ng mata – eh bababa talaga ako by hook or by crook, awa ng diyos ala naman. napakabilis ko lang na na-process yung Extension Visa ng boss ko at umuwi kaagad ako. nakatulog pa nga ako, at late nang nagising – na-late tuloy ako sa work. pero nakakatuwa pa rin kasi basta masaya lang.
October 9, 2007 – TUESDAY
umaga na ako natulog – pero sakto naman ang gising ko. napakaaga kong nakarating sa office – nagkuwentuhan muna kami ni Rose hanggang sa dumating na lahat. umalis na yung mag-iinang Koreana, mabait pa naman yung bunso… natapos na naman ang araw ko – na madame-dame ring nagawa. in fairness hindi ako gumawa ng blog entry.
October 10, 2007 – WEDNESDAY
umaga na naman akong natulog at sakto rin naman ang gising ko. pumasok ako ng hindi late at BIRTHDAY pala ni MS. EVE ngaun. party na naman hehe. malapit na naming matapos yung pagaayos ng mga PC – kung saan eh niloloadan namin ni Jericho lahat ng CPU para maibenta na.
October 11, 2007 – THURSDAY
inumaga na naman akong natulog – naiyak pa ako sa isang palabas sa TV… Maury – hehe. napakababaw naman ng luha ko. ibang klase kasi eh. nababanas ako sa bahay dahil ginagawa nang tambayan ng mga Temple. yung ex-bro ko kasi eh hindi maintindihan kung bakit ganun siya. Leche panganay pa naman siya tapos ni hindi siya mapakinabangan. bat kaya hindi siya maghanap ng trabaho? 24 anyos na siya umaasa pa rin siya kay Mama – isipin niya naman yung ibang tao. Pucha.
October 12, 2007 – FRIDAY
hindi ako lumabas maghapon dahil nga sa wala naman akong gagawin kung lalabas ako. ala rin namang pasok sa office kaya nanahimik na lang ako sa bahay maghapon magdamag. inuman sana kami ni Mar at Herson ngayon pero pumunta pala sila ng Batangas at hindi naman siya makaluwas dahil wala siya alibay sa asawa niya. sabagay, me pamilya na sya kaya mahihirapan talaga siya.
October 13, 2007 – SATURDAY
haiz. maghapon na naman akong nakatulog. hindi kasi kami natuloy nina Mar at Herson sa inuman. pero dahil nga wala kaming magawa ni Herson eh niyaya na lang namin si James na mag-inuman sa Novi’s tapos me kasama pa si James na si Macmac. ayos naman ang kantahan at inuman. masaya, lalo na nang biritan ko sila ng Kahit Isang Saglit at saka Total Eclipse of the Heart na talaga namang pinalakpakan ng madla. ni-requesan pa nga ko nbg Victims of Love na pinagbigyan ko naman hehe. nag-inuman pa kami sa bahay kasama sina Marit at si Raymond – na may pagtingin naman kay Tina hehehe. kulet. bangenge na talaga ako kaya natulog ako.
October 14, 2007 – SUNDAY
badtrip – maghapon lang ako sa bahay at natulog-nanood ng tv-kumain etc. hindi man lang ako lumabas ng bahay hehehe
at least napanood ko na ang Superman Returns at Kitchen Confidential. hirap ng alang anda… nananahimik ako sa lungga ko.
October 15, 2007 – MONDAY
me pasok na naman kami ngayon. ayos na ayos – kaso na-late ako kasi hinahanap ko yung cap ko na hindi ko na talaga matandaan kung saan ko nailagay. haiz – sayang naman yun, antagal na sakin nun, malapit na mag one year tapos nawala pa. huhuhu! well eniweiz – hindi ko inaasahang yun ang mangyayari sa pera ko. naku. kinakailangan ko na pong mag-ipon! BAKIT HINDI KO KAYA! late na ako nakapasok nababanas ako sa epal na feeling boss sa office – kabanas. ang lalaking ewan. epalogs grabe – feeling matalino, eh siya nga itong hindi nakakaalam ng program… etc.
October 16, 2007 – TUESDAY
hindi na ako natulog pagdating ko ng bahay. kinakailangan ko rin naman kasing gumising ng alas-tres ng madaling araw para maghanda sa pagpasok. 5:00am ang pasok ko at kinakailangang 4:00am eh nakasakay na ako ng jeep papuntang San Juan then sasakay ulit ng jeep papuntang Madison. haiz. ayos naman nakaka-thrill GRABE! dabest yung feeling na 4am pa lang eh papasok na sa office – imbes na 7am eh napasarap kami ng wentuhan ni Rose kaya 9:30 na ako umalis. nakuha ko na yung fone – natulog ako ng mga 1 1/2 na oras saka ako lumarga naman para magpa-haircut… haisalamat at nakapagpa-haircut na nga ako. hindi ako na-late sa sked ko na 4:00 PM. birthday ni Teacher Jessica, busog na busog ako, andami kong kinain kasi nagluto muna ako ng Mushroom Soup, then umorder ng Spicy Chao Fan sa Chowking – na kinain ko ng dinner at saka kumain kami ng cake. haiz.
October 17, 2007 – WEDNESDAY
isang napakasayang araw. pagkagaling ko sa work eh dumiretso ako sa Novi’s para puntahan sina Herson, Mar at Mark na kanina pa nangungulit sa inuman. naabutan ko sila dun saka ako nakilaklak na rin sa kanila. syempre mawawala ba naman ang hiyawan at palakpakan kapag bumibirit na ako? haha. pagkatapos nun eh umuwi na sina Herson at Mark – dumiretso naman kami ni Mar sa HEAVEN’S haha. heaven ang nangyari – although walang sex encounter na naganap. still feels like heaven kasi me nakilala akong bagong kaibigan na nagbigay sakin ng sign na kinakailangan ko nang kalimutan ang mga nakaraan ko at sumige na sa paglalakbay sa buhay – la na muna ako hihilingin pa. sa ganito ba namang momentum me mahihiling pa ako? hahaha! first time na nangyari sakin ito. i love it! pagkagaling namin sa HEAVEN’s eh kumain muna kami then uwian na. saka lang ako natulog. sakto ang gising ko. naaalala ko pa rin ang mga nangyari kagabi. hahaha. saya grabe.
October 18, 2007 – THURSDAY
nice naman. hindi na ako umuwi, balak ko umuwi ng mga 7am. nagkuwentuhan kami ni Rose hanggang madaling-araw syempre nakatulog ako at na-late ng gising… kakatuwa tuloy hehehe! almost 9am na ako nakauwi – la kaming sawa sa daldalan. pag-uwi ko, nakatulog ako – sakto naman ang gising ko. nababanas ako sa mga taxi driver na nandededma ng pasahero na buntis pa. punyeta mabangga sana sila ng sabay-sabay at sila-sila lang ha! hahaha
manganganak na ata si Rose today. ah ewan sana nga manganak na siya para may bagong baby na sa Korean Big Brother House.
October 19, 2007 – FRIDAY
naaasar ako sa mga taong ewan. pumunta kami ng UDMC para ihatid yung mga gamit ni Rose. iniwanan ko si Rayan doon dahil maaga pa ang pasok ko. nag-inuman kami ni Herson sa Novi’s – dumiretso ako sa MC para makipagkuwentuhan kay Alvin. ang saya namin sa kuwentuhan. meron akong bagay na naiintindihan na sa ngayon. kumain kami sa kainan malapit samin habang nagkukuwentuhan pa rin. nakatulog ako. waaaaaaaah! at na-late buti na lang marunong si Teacher Eve. nanganak na si Rose at nagwawala daw sa hospital, humihingi ng tulong hehehe
October 20, 2007 – SATURDAY
nag-inuman kami nina Joshua, treat niya, pero dahil nabitin kami dahil nga naadik na naman kami sa kantahan eh kailangan kong maglabas ng kaunti. nakakatuwa kasi napapansin kong nagiging sikat nakong singer – palakpakan ang labanan at hindi ako kaya ng iba, hindi nila napipigilang tumingin sakin. kaninang madaling-araw hanggang 11am eh binabantayan ko si Rose sa hospital, hirap siya sa panganganak dahil mala-1-year-old ang isinilang niya. buti na nga at tapos na. hehehe.
October 21, 2007 – SUNDAY
as usuall linggo kaya tanghali na (hep hep hep!) hapon na naman ako nagising, ginulantang naman ako ng
text ni Jasmine, binyag pala ni Amerie ngayon at ninong na naman ako – talagang pinatitibay ang
magkumare’t-magkumpare namin hehehe. pinasundo niya ako ke Arnold siyempre paimportante na naman kasi ako porke ako lang ang bisita. nakainuman ko sina Herson, Arnold at Kuya Andy (papa ni Arnold) na nagbukas ng aklat ng kahapon. hahaha, ala siyang memory gap in fairness. makalipas ang almost 2 years, bumalik ako sa bahay ng dati kong bestfriend – at welcome pa rin ako gaya ng dati. tataka nga ako kung bakit napaka-bitter ko ke Arnold. nalaman ko din na ako pa rin pala “gaya ng dati” ang tanging nakakapigil sa galit ni Arnold, sinusunod niya pa rin ako – although ayos lang din naman sakin kung hindi niya gagawin yun.
October 22, 2007 – MONDAY
nagising ako ng midnight at hindi na nagbalak na matulog pa. habang busy ako sa pagbabasa, tinext ako ni Mar at sinabing nasa tapat lang xa ng bakery. pumunta ako, ang aga ng ungas. nagpahatid ako sa work – kahit napakalayo. ayos lang naman sa kanya. masaya ako kasi may mga taong kagaya pa rin ni Mar although napakakulit niya madalas. antok na antok ako pero inayos ko lahat ng kinakailangang ayusin. natuto na nga talaga ako hehehe
nababanas ako kasi nawala na naman yung digicam ng mga bossing ko, ang masama – si rose ang humiram nun, kaya kailangan niyang bayaran – bat hindi na lang kasi mategi yung mga magnanakaw na yan. PUCHA! babayaran ni rose ang isang bagay na napakamahal niya at ni hindi niya napakinabangan… pakingsyet. sana lumubog sa kinatatayuan niya ngayundin ang sinumang nangnenok nun. bwiset!
October 23, 2007 – TUESDAY
dapat hindi ako uuwi, pero dahil kailangan ata ng malalabasan ng sama ng loob ng dati kong bestfriend eh umuwi ako para sa kanya – hindi naman kasi ako ganun kasama na tuluyan nang magpapakalayo ng damdamin sa kanila. naging maayos naman, bumalik ang sigla ko – may isang bagay akong kinakailangan tanggapin in order for me to win this game of life. mahirap pero kakayanin ko. kailangan eh. nakatulog ako pero ayos naman ang pagpasok ko kahit me isang pasahero kanina na mukhang Taliban. bumalik na si Rose galing sa Nova – hindi niya kineri. sa office ako slip kahit na ni-lulure ako nina Mar, Herson, Joshua at Jaypee dahil nga nag-iinuman na sila – hindi ako nagpadala. late na rin nakatulog dahil nagkuwentuhan muna kami ni Rose pero maayos na rin at least me tulog na ako.
October 24, 2007 – WEDNESDAY
sakto akong nagising, napakaaga. hindi na muna ako nagbihis, nakapantulog akong pumasok sa CC dahil balak kong mag-weights kapag tapos na ang work ko, kailangan ko na rin kasing mag-ayos ng looks ko ngayong malapit na naman ang pasukan (O.A. June pa yun) ngayon ko nakita ang hirap ng isang first-time na nanay sa pag-aalaga ng infant. PUCHA kakaaning, ganyan talaga pag nanay ka. maayos ang naging araw ko, pwera na lang ang unang tumambad pagpasok ko ng 4pm ng hapon. masaya naman. grabe hehehe.
October 25, 2007 – THURSDAY
umuwi pa din ako ng bahay after work, hindi na ako natulog, naglaro na lang ako ng Command & Conquer: Game of the Generals – courtesy of my friend Mr. Jercho Ginger Licerio hehehe. tenkyu! tenkyu! dahil bumalik na naman ako sa pagkabata hehehe
napakaaga kong nagbyahe papuntang work, in fairness ang aga ko, hindi pa rin nawawala yung creepy feeling kapag naglalakad ako sa loob ng Subdivision na ako lang ang tao waaaaaaaaaaaaaah! scary talaga andami kong naiimagine. itinuloy ko na naman ang workout ko. pero hanggang weighlifting lang dahil hindi kinakaya ng stomach muscles ko, painful talaga. nagsearch ako sa net, at nalaman kong maling-mali ang ginagawa ko. proper diet pala muna dapat at hindi dapat binibigla ang muscles. umuwi ako at nakatulog naman kaagad. pumasok ako ng 4pm. la pa rin sina bossing. haiz.
October 26, 2007 – FRIDAY
pag-uwi ko sa bahay eh nag-inuman kami ni Arnold at Herson. kumanta kami at uminom talaga. tapos nakita namin si Kurt na nakakabanas naman ang real name. at siyempre hindi ako nagising na suppose-to-be eh me pasok ako. hindi ako nakapasok, dahil nga 10:30am na ako nagising. nakakatuwa kasi natanggap ko na yung credit card ko – makakabili nako ng phone hehehe. pagpasok ko sa work lalong sumaya sa hindi malamang kadahilanan hehehe. la pa rin sina bossing. nakausap ko sa phone si Jomar (ervas) nakakamiss din na wala siya. nanakit na naman nga ang tenga ko, dahil gaya ng dati medyo telebabad kami. me usapan kami nina Mar at Herson sa Novi’s pag-uwi ko – sayang at hindi matutuloy yung lakad namin.
October 27, 2007 – SATURDAY
napuyat na naman ako sa magdamag, pero hindi naman ako nakainom or whatever, basta napuyat lang ako. nagising ako – tanghali na. ala naman akong ginawa kundi, matulog, manood ng tv at kumain. dumating sina norton at janice; gabi na yun pero nang-aasar si Kuya Norton. he he he!
October 28, 2007 – SUNDAY
tanghali na naman ako nagising… pumunta ako ng SM Sta. Mesa para kumuha ng fone gamit ang new HSBC credit card ko. nagtagumpay ako at nakapag-uwi ng SAMSUNG SGH-E250, maganda siya at siyempre kulay itim para mukhang maayos naman he he he! salamat sa HSBC hehehe
as ussual, puyat na naman ako. katext ko magdamag sina Josh at Jasmine, pumunta daw kasi sila kasama si Julia sa Baclaran para sa Opening ng bago nilang negosyo. take note na alas kuwatro yun ng madaling-araw.
October 29, 2007 – MONDAY
barangay elections at maaga pa lang eh wala nang tao sa bahay, siyempre para magbigay ng “full support” sa mga bet nilang kandidato. gabi na sila nagsidatingan. dumating si Shiela, dumalaw lang naman, nagulat pa siya nang malamang na-approve na pala ako sa HSBC na sya mismong nag-sales talk sakin. gumawa kami ng mga MUsic Videos ni Herson sa baba ng bahay namin – siyempre asaran. bukas may pasok na naman at malamang na hindi na naman kami ma-bore hehehe
October 30, 2007 – TUESDAY
maaga naman akong pumasok dahil hindi na naman ako nakatulog, sakto pa rin naman ang dating ko although nakakatakot sa byahe dahil nga dala ko ang new fone ko at bumiyahe ako ng 4am. sanay na talaga ako sa scheduling he he he
pag-uwi ko – tulog kaagad ako at pumasok ulit pagkagising – oo sige bitin na naman ang sleep ko pero ayos na rin. biruin mo ba namang napakaaraw kaninag umalis ako sa opisina ng 9:00am tapos pagbalik ko ng 4:00pm – bumabagyo! umaapaw ang lahat-lahat, na-stranded ako sa Madison sa lakas ng ulan, kung kailan kailangan kong maaga, buti na lang pagdating ko naisaayos na ni Rose ang dapat ayusin sa schedule dahil absent nga sina Joy at Jericho. nasa office si Jekay – dalagang-dalaga na… nakakapanibago. dati-rati makulit na bata lang yun.
October 31, 2007 – WEDNESDAY
sa room ako ni Rose natulog kasama sina Rose, Baby Andrei, Jekay at Roan, kuwentuhan na namang umaatikabo kami ni Rose, katextmate ko pa hanggang 2:00am sina Jasmine at Arnold. nakatulog na ako ng 2:00am. nagising ako ng 4:45am, dumiretso na kaagad sa office kahit naka-pantulog pa ako he he he
===========================








i miss this… favorite ko din kaya ang Batang X nyuahaha :p
may insomnia ka?pareho tau!lam mo ba na ang # 1 caus eng insomnia ay stress?then anxiety & depression..san ka ba nsstress?hehehe..common dn dw un sa mga preggy & sa mahilig sa coffee or mataas ang level ng caffeine & nicotine!hala ikaw pa nman kung uminom k ng coffee san barrel!Lolz..☺