h1

Batang X

Oktubre 1, 2007

batangx.JPG

nakakabanas, nakagawa na ako ng template para sa “diary” at “kapraningan” na posts ko pero hindi pala kasya ang 500 pixels, tama lang pala yung 400 pixels, pumangit tuloy dahil tinamad na akong ulitin. haiz. but eniweiz, tuwang-tuwa ako kanina sa dashboard ko kasi andaming comments (hehehe!) hindi dahil adik ako sa comments pero dahil yun sa idea na may mga bumabasa pala talaga sa blog na ito kahit la naman ka kwenta-kwenta. salamat mga readers and bloghoppers ha!

parang napapansin ko na bumababaw na ang kaligayahan ko ah! ni hindi na nga ako lumalabas ng bahay dahil nakukuntento na ako na magpasikut-sikot sa loob ng bahay at magakyat-panaog sa hagdanan – siguro ganito talaga pag nagmamature.

BATANG X

bago ako pumasok sa office kanina eh nanood muna ako ng BATANG X! naaalala niyo pa ba ang mga batang nagligtas ng mundo noong 1995? bigla tuloy bumalik ako sa pagkabata, twelve years na ang nakakaraan nang mapanood ko yun sa movie na talaga namang kinabaliwan ko – siyempre naman eh bata pa lang ako noon eh biruin mong 10 years old pa lang ako nun. feeling ko nga noon eh ako si A-Gel. at wag ka! pinangarap ko ring maisuot ang costume ni A-Gel, natatandaan ko pa na sa sobrang kapraningan ko sa Batang X noon at hindi ako mabilhan ng costume – eh bumili ako ng mga cartolina na iba’t-ibang kulay, kakulay nung suot ni A-Gel at bumuo ako ng sarili kong costume. siyempre bata ako kaya napakapangit nung ginawa kong yun at sa ngayon nga eh natatawa na lang ako sa sarili ko sa mga katarantaduhang pinaggagagawa ko nun. SYET!

sa sobrang kapraningan ko sa Batang X eh pinanood ko yun ng mga apat na beses sa sine at naghanap pa ako noon ng VHS Tape ng Batang X pero la naman ako makita – at siyempre mahal pa yun noon at malamang naman na hindi ako makabili nun. sinubaybayan ko rin yung Series nila sa TV at siyempre sa Komiks – o di ba ADIK talaga! ilang beses nga akong nanaginip noon na lumilipad kagaya ng pilay na si A-Gel, minsan pa nga nagdadasal ako na kahit mapilay na lang ako basta makalipad lang ako kagaya ni A-Gel. Sobrang saya ko talaga kanina na napanood ko na naman ang Batang X, sa ngayon si Kidlat (John Pratts) na lang ang nakikita ko sa TV at Movies, ala na yung iba pa niyang kasama – paminsan-minsan lumalabas-labas pa rin sina 3-Na (Anna Larrucea) at Control (janus del Prado) pero bihirang-bihira na nga talaga. nawala na yung idol ko na si A-Gel (John Ace Zabarte) at yung palagi niyang kabugbugan na si (G-Boy) JC Tizon. nakakalungkot tuloy.

kagaya nga ng narinig ko sa sinabi ni Kwago (Michael de Mesa) kanina sa Batang X – “may mga taong takot bumalik sa nakaraan!” – Oo tama yun, ako oo paminsan-minsan, natatakot ako kasi nakakalungkot nga namang isipin na lumilipas na ako – hindi na ako kagaya ng dati na bata at puro laro lang ang inaatupag. hindi ko na magawa yung mga pinaggagagawa ko noon na paglalaro ng mataya-taya, langit-lupa, sili-sili, ten-twenty, tumbang preso, follow the leader, tom sawyer at five-ten. kung bibigyan talaga ako ng kaisa-isang kahilingan gusto kong bumalik sa panahon ng pagkabata ko – aayusin ko lahat ng mga nasira ko at ieenjoy ko ang lahat ng bagay sa pagkabata. ikaw ano ang wish mo?

 sign forever

16 mga puna

  1. Ako din… Gusto kong maging bata ulet tpos… tpos… eh bsta gusto ko laging masaya! Pahirap ng pahirap ang buhay pagtumatanda na! sigh.

    PRINSIPE DILAN: oo nga po pahirap nang pahirap kasi diba nga “with Great Power, comes great responsibility” hehehe.


  2. “may mga taong takot bumalik sa nakaraan”

    sabi ng UP Manila Professor sa akin “complete your past, live ur present so that it will not haunt you in the future”

    PRINSIPE DILAN: ui salamat jan sa quote na yan ha. kaso nga hindi ko ata nakumpleto yung past ko. haiz :-(


  3. aba tagal na niyan ah. naalala ko pa dati manonood kami ng sine yan ung gusto ko panoorin kaso ibang movie pinanood namin. toinks

    PRINSIPE DILAN: hehehe! ganun! ako nga andami naman naming nanood kasama mga Tita ko at mga pinsan, nakakatuwa pag-uwe namin nagrarambulan agad kami feeling namin mga batang X kami hahaha!


  4. 12 years na pala ang nagdaan. pinanood ko yan sa sinehan. hayz. sana manood din tayo sa sinehan.

    PRINSIPE DILAN: hahaha! ganun? nga pala wat nga pala agen yung landline mo. meron na akong fone. send mo na lang sa akin sa YM ha! hehehe. sige nood tayo… sa PASKO!


  5. ‘Yang Batang X isa sa mga favorites ko yan dati…

    Na-miss ko tuloy ang kabataan ko! :”(

    PRINSIPE DILAN: pareho tayo at kagaya tayo ng milyong kabataang Pilipino that time. ako din kapag nakakapanood ako ng mga pinanonood ko noong bata ako, namimiss ko talaga yung dati.


  6. may maganda din akong memories pag naririnig ko yang batang – x na yan.. hehehe yun ay ang kasama ko ang mga magulang ko nung nanood kami nyan…

    PRINSIPE DILAN: oo ako din, yun bang tipong bata ka pa rin na nakakalat sa paligid ng magulang mo.


  7. waaah meron kang copy niyan?san mo po napanuod…alam mu ba halos mamatay ako kahahanap ng pelikula na yan..madalas kame nun sa SM..ewan ko ba, pero pagpupunta kame run eh yun ang lagi kong nirerequest na panoorin, nute nga di nagsasawa sila mommy…hahaha…

    san mo nga po pala ulet yan napanuod, kase naghahanap ako ng kahit movie torrent, pero walang Batang X :(

    whew….i badly need it…hehehe…whoooshoosh!…


  8. sya nga po pala, ginawa ko rin lahat ng mga karumaldumal na bagay na binanggit mo, hehehe akala ko nga nun ako lang ang may trip trip nun, marami pa pala… sya nga po pala napadpad ako sa site mo dahil naghahanap ako ng torrent about that movie, and your site was one of the search results…:D


  9. I would happy to see batang X revived in TV. And please get good writers. Classic na ang Batang X.

    PRINSIPE DILAN: oo nga. ang korni.


  10. san mo napanood ung batang x the movie?? . . wala akong makitang vcd nun e wla yata talagang ganun


  11. maganda dun yung magdidikit-dikit yung mga kamay nila tapos sisigaw sila ng “BATANG Xxxxxxxxxxx!!!” tapos may biglang sasabog “BOOOGOOUUUUUUUUUUUM!!!” ahahahahaha!! adek ..


  12. Si control po ay si Lester LLansang. FYI lang … hehehe


  13. hi friend. natuwa ako nung nabasa ko tong blog mo kasi sa kasalukuyan (hanep super tagalog) eh naghahanap ako ng images and pics ng BATANG X movie na yan. alam mo kung bakit? dahil yung idol mong si A.GEL eh kakilala ko. araw araw ko siyang nakikita at nakakasama dahil officemates kami. hahaha. napakabait na tao. at, matalino. sana napasaya kita sa munting impormsyon ko.;) ingat!


  14. hi friend. natuwa ako nung nabasa ko tong blog mo kasi sa kasalukuyan (hanep super tagalog) eh naghahanap ako ng images and pics ng BATANG X movie na yan. alam mo kung bakit? dahil yung idol mong si A.GEL eh kakilala ko. araw araw ko siyang nakikita at nakakasama dahil officemates kami. hahaha. napakabait na tao. at, matalino. sana napasaya kita sa munting impormsyon ko.;) ingat! ;)


  15. saang website po ba pwd mkdownload ng movie n batang x?..mukhang mganda kc…tnx w8 q po reply nyu


  16. natuwa naman ako sa blog mo. ^_^ si john ace zabarte, sobrang bait. galing pa mag rap. ASTIG! Ace, salamat sa lahat. hindi kita makakalimutan. saludo ako sainyo nila snap! Godbless. i love you



Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.