Imbakan para sa Oktubre, 2007

h1

Bakit Ako Pa???

Oktubre 31, 2007

may mga bagay sa buhay na kailangang kalimutan kahit hindi mo kaya…
ewan, napapraning ako ngayon…
wala akong malabasan ng nasasaloob ko dahil sa mga sensitibong reasons,
sana bigla na lang akong lumubog sa kinaroroonan ko…
o bigla na lang akong mawalan ng malay…

SHIT! Life really SUCKS!

I just hope that THIS FUCKING THING will end ASAP!
I think, I couldn’t make it…

Sana mamatay na lang ako.

sign forever

h1

isang bagsakan…

Oktubre 30, 2007

kapraningan2007.jpg

nagtataka ako sa sarili ko kung bakit bibihira na lang akong gumawa ng entry. so siguro ngayon mahaba-haba itong entring ito, matagal-tagal rin akong natengga eh.

naaaning ako sa mga nangyayari sakin – marami-rami na rin akong nakilalang “new friends” na talagang namang naeenjoy ko ang company. una na si James, makulet, maharot, magaling sumayaw – si Bench, napakagaling sumayaw lalo na pag nasa stage hehe. mabait kaso sa ngayon medyo hindi pa ako sure,one week na rin siyang nagtetext pero hindi ko na nirereplayan, siguro kapag nitong buong linggong to at hindi pa rin sya tumigil kakatext, malamang replayan ko na siya. at siyempre si Kurt – magaling kumanta, dabest makisama at maki-bonding, yung tipong kala mo eh matagal mo na siyang kakilala.

binigyan ko na rin ulit ng “chance” yung mga dati kong malalapit na kaibigan na patunayan ang “true friendship” na ibinibigay nila. umattend ako sa reception ng binyag ng inaanak kong si Amerie – pangalawang anak ng ex-bestfriend kong si Arnold at ng ex-girlfriend kong si Jasmine (inaanak ko rin kaya yung panganay nilang si Ashanti!) halos araw-araw eh nagtetexan na ulit kami, matagal-tagal ring naging “cold” ang treatment ko sa kanila, lalo na kay Arnold. pero hindi pa rin naman naibabalik yung dati. like nakokornihan pa rin ako kapag niyayaya niya akong mamasyal (na madalas naming ginagawa dati, para nga kaming nagdedate eh) at nakokornihan at pinagtatawanan ko pa rin ang mga text messages niya like “ikaw lang ang bestfriend ko” etc. etcetera. ganoon din naman si Joshua na panay ang text… at ang nakakatawa pa, last time na mag-inuman sila at malasing siya. nagtetext ba naman sakin ng kung anu-anong kakornihan like, namiss niya daw yung dati, nandiyan lang daw siya as a “bestfriend” anytime na kailanganin ko siya. at kung anu-ano pa.

well anyway. happy na rin naman ako sa nga simple things na nangyayari sa life ko ngayon. i have enough friends… kulang na nga lang eh yung nag-aaral na naman ako at ine-experience ang college life, kung saan eh makakakilala ako ng mas maraming kaibigan. me credit card nako, may cellphone nako… at mas maraming pang mga bagay sa susunod.

siguro kailangan ko na rin talagang kalimutan ang past ko. pero siyempre ayoko pa ring magsalita ng patapos – pero pipilitin ko.

sign forever

h1

Modelo

Oktubre 22, 2007

julia.jpg

namiss kita! hug mo naman ako… lage na lang bang yang bata, ako naman ang i-hug mo.” ang naglalambing na sinabi sa akin ni Julia nang pumunta ako sa reception ng binyag ng anak ng ex-bestfriend kong si Arnold at ng ex-girlfriend/friend kong si Jasmine na inaanak ko at pamangkin naman ni Julia at maaaring inaanak niya din. “para kang sira, andaming tao o!” ang nahihiyang sabi ko dahil nga naroroon ang mga magulang ni Arnold. inaanak ko rin ang panganay nilang si Ashanti, pero dahil sa pinagsamahan kaya pati yung pangalawang anak nila eh inanak ko na rin sa binyag (sugapa ba?) bahagya akong nagitla sa napakalaking pagbabago sa ayos ni Julia. napakalayo sa dating siya.

yung tungkol sa panliligaw mo sakin, siguro mas maganda kung magiging friends muna tayo, kasi mas masaya yung ganun, kasi hanggang ngayon boyish pa rin ako.” ang nakasaad sa dati niyang sulat sa akin nang minsang tangkain ko siyang ligawan mga apat na taon na ang nakakaraan. sa simula pa lang tomboyin na talaga siya, maikli ang buhok, at nagsusuot ng supporter para hindi mahalata ang dibdib, at hindi mo makikitang nagsusuot ng palda o bestida pwera na lang kapag pumapasok sa eskuwela. puro maluluwang na t-shirt na panlalake, hip-hop na pantalon at shorts, minsan pa nga eh me nakataling panyo sa ulo. nakababata siyang kapatid nina Jasmine at Julia, although para sakin kasi noon eh babae pa rin siya, dahil lumalabas na talaga ang mga soft sides niya, matampuhin, malambing, mabait.

parang kailan lang, higit apat na taon na pala ang nakakaraan.

galit ako sa’yo, puro ka na lang Jordan – Jordan – Jordan. samantalang nandito naman kami para sa iyo, hindi mo kami binibigyan ng pansin… ako! hindi mo ako itinuturing na nagmamahal sayo!” ang galit at lumuluhang wika niya noon sa akin, lasing na siya noon, inilalabas niya ang sama ng loob niya sa akin. niyakap ko siya, sapat para tumahan siya sa pagpupuyos ng damdamin niya.

dumaan ang mga araw, linggo, buwan…. taon. nagkaroon na rin siya ng mga nobyo at nasanay sa pakikiharap sa pang-araw-araw na buhay, naging matatag at matapang. at eto nga siya, isang malaking pagbabago, na kahit kailan hindi ko naisip na makikita ko siyang ganun… kahit kailan. pero huli na ang lahat… HULI NA!

sign forever

h1

Pusong Bato

Oktubre 11, 2007

pusongbato.jpg

 

————————————————————–

PAGBABAGO

“patay na si Itay…”
“huh…”

“mula ngayon magtutulungan na tayong magkakapatid, walang mag-aaway kailangang kampi-kampi tayo hanggang sa katapusan… wala na si Itay – ako na ang padre de pamilya at ako ang mag-aayos sa ating lahat!”
“oo kuya!”

makalipas ang isang buwan

nasa kanto pa lamang si Romeo eh tanaw na niya ang kumpulan ng mga kabataan sa tapat ng bahay nila. kagagaling lamang niya sa trabaho at malapit nang mag-hatinggabi, pagod siya at masaya siya sapagkat nasa bahay na siya at makakapagpahinga na. hindi umaalis ang paningin niya sa kumpulan ng mga kabataan – maraming mga bagong mukha at ang ilan naman ay matagal na niyang kilala.

“ahhhhhh!” ang isinisigaw ng isang lalaki habang sunud-sunod na tinatanggap niya ang suntok, sipa at tadyak ng limang kalalakihang miyembro ng gang. hindi niya nakikita ang mga bumabanat sa kaniya dahil nakatalikod siya at nakapiring ang kanyang mata.

“aahhhhh taaaayyym aaaawwwt!” ang halos hindi na masabing salita ng lalaki – hudyat upang tumigil ang limang kalalakihan sa pagbanat sa likuran niya. pinainom siya ng tubig at pinagpahinga ng ilang sandali at saka isinalang ulit sa banatan.

pinagtitinginan na ng mga tao lalo na ng mga kapitbahay nilang tsismoso at tsismosa na nakatambay sa isang sari-sari store. humihinto sila saglit kapag dumaraan ang mga barangay tanod na nagiikot-ikot sa mga eskinita ng lugar nila. pagkatapos ng banatan eh isang masaganang welcome inuman ang nakahanda sa mga bagong kasapi ng gang. walang katapusang pagpapakilala, pagyayabang at pakikipagkamay ang ginawa nila. ganoon ang naging eksena sa araw-araw hanggang sa lumago ang gang na iyon.

—–

umuugong ang lugar sa lakas magpatugtog ng mga kantang puro mura at hindi magagandang salita. halos sumabog ang speakers sa lakas ng tugtog. isang kahon ng Generoso Brandy ang isa-isang binubuksan ng tanggero at palipat-lipat ang isang sigarilyo sa bunganga ng mga nakiki-hits. halos hindi na magkarinigan ang magkaka-tropa sa lakas ng tugtog at sa iba-ibang usapang nabubuo sa pangkat nila. ilang beses na silang winarningan ng mga barangay tanod, maging ang mga kagawad na tigilan ang panggugulo. hindi naman nila iniisip na nanggugulo sila dahil wala naman silang sinasaktang tao. pero hindi nila naisip na sa lakas ng tugtog nila at sigawan at hiyawan eh nakakaistorbo na sila ng mga kapitbahay nilang nagpapahinga na. umaabot ng umaga ang inuman, kasama na rito ang ingay. humahalimuyak ang masangsang na amoy ng Marijuana.

ilan na ang nagtangkang buwagin sila pero walang nanalo – marami kasi sila.

PADRE DE PAMILYA

“eh kung maghanap ka kaya ng trabaho! imbes na yang katarantaduhang barkadahan na iyan ang inaatupag mo! bat hindi ka magbago!” minsan lamang magbunganga ang ina ni Rico. mahinahon ito. pero sa mga lumilipas na araw eh ilang beses na silang nagpapabalik-balik sa barangay hall kung saan eh hinaharap nila ang iba’t-ibang reklamo. pero inilalabas lamang ni Rico sa kabilang tenga ang sinasabi ng ina, wala siyang pakialam sa kahit sino – siya ang padre de pamilya. siya ang batas.

inabutan niyang nagbubugbugan ang mga kapatid niya. hinatak niya si Romeo – ang kapatid niyang sumunod sa kanya. lasing na lasing ito kagaya niya – halos hindi na makalaban sa kapatid niyang si Ronnie na ilang pulgada ang lamang sa tangkad sa kaniya. tuluy-tuloy ang banatan – hinawakan na niya si Romeo, pero hindi si Ronnie – na patuloy naman sa pagbibigay ng todong suntok sa mas nakatatandang kapatid. nang matapos ang gulo, nag-uumapaw ang luha ni Romeo – inaalalayan siya ng iba pa nilang barkada na sa pagkakataong iyon eh naroon sa bahay nila. inangat nito ang telepono at dumayal ng mga numero – ilang beses… pero walang sumasagot sa kabilang linya. nagsalita ito, walang tigil – iniisa-isa ang lahat ng sama ng loob sa lahat ng mga kapatid – pilit naman siyang pinatitigil ni Rico – pero patuloy lamang si Romeo sa pagsisiwalat ng nasasaloob sa harap nilang lahat.

“hindi ka talaga titigil ha!” ang wika ni Rico kay Romeo sabay hataw ng telepono dito na gumawa ng sugat sa bandang kilay nito, pinagsususuntok niya ang nanghihinang kapatid – lahat sa mukha. nag-black out ang paningin nito. nagkagulo. si Rico naman ang bumangka sa usapan. “gago ka ah! hindi mo na ako ginalang!” ang wika niya. “bat naman kita igagalang eh hindi ka naman kagalang-galang, palamunin ka lang dito! wala kang kuwenta! hindi ka pa nahihiya…” ang sigaw ni Romeo na nagpainit sa buong pagkatao ni Rico at sunud-sunod na pinagsasapak sa mismong mukha ulit si Romeo. natapos ang panggugulpi niya sa kapatid – umaagas ang dugo sa biyak na kilay – nananakit ang panga at pisngi – hindi halos makadilat sa nakakahilam na dugo at sa blackeye na siyang nakatatak sa kaliwang mata.

kinabukasan, hindi na nagsasalita si Romeo – tanging ang nanay lamang nila ang kinakausap nito, ni hindi sumasabay sa pagkain – parang wala siya sa bahay. tumagal ang malaking pagbabagong iyon. ilang beses nang kinakausap ni Rico ang kapatid. pero hindi natitinag si Romeo, ni hindi nagsasalita – sa utak niya, wala siyang mga kapatid! itinatak na niya sa isip ang ganoong katotohanan! siya lamang ang nagtatrabaho sa pamilya, bukod sa pinauupahan nilang bahay. hindi siya panganay at lalong hindi siya ang padre de pamilya.

patuloy si Rico sa mga katarantaduhang ginagawa sa araw-araw… wala siyang sinumang sinusunod. wala siyang payong binibigyang-pansin. kumapal na ang pagmumukha niya at naging manhid. malaki siyang tao, kasama ang pangangatawan sa araw-araw na pagharap sa salamin at pagbubuhat ng dumbells, paminsan-minsang pagbisita sa gym at gabi-gabing paghitit ng marijuana na nagpapalakas sa kaniyang kumain sa pagpapanatili nitong gutom siya palagi.

IDOLO

tumatanda na siya. siya ang panganay sa magkakapatid, kalalaking tao, mahilig sa basag-ulo, inuman at babae. lulong na sa marijuana. isang napakapangit na halimbawa sa sinuman. walang inatupag kundi paggising sa umaga kumain, sumama sa barkada, kumain, uminom at marami pang iba. iniidolo siya ng mga batang gangsters na tinuruan niya ring lumaklak at manigarilyo, gusto siya ng mga babaeng pakiramdam eh langit sa piling niya at nakikita siyang larawan ng isang perpektong lalaki.

lumaki ang ulo niya. mayabang, makuwento. sa isang banda… hindi niya naisip kung ano ba ang mangyayari sa pamilyang siya ang padre. siya ang hindot na panganay siya ang walang kuwentang anak, siya ang gagong kapatid, pero siya ang dabest na kaibigan at katipan.

lumala pa lalo ang sitwasyon. hindi siya nakuntentong sa labas lamang ng bahay tumambay, mag-marijuana at makipag-inuman. sa gabi, pinapapasok niya ang buong tropa sa loob ng bahay nila, kung saan ay mahimbing na natutulog ang ina at mga kapatid niya. sinumang nanonood ng TV sa oras na pumanhik sila, kinakailangang sumunod sa gusto niyang manood ng DVD. siya ang bangka sa usapan, akala niya siya ang bida.

KAGULUHAN

walang habas na takbuhan – nakakabingi ang putukan at pagsabog ng mga pillbox na ibinabato ng magkabilang grupo. kapwa lasing ang isa’t-isa, wala sa sariling katinuan. umiigpaw ang mga katawan, kung saan ay hinahataw naman ng mga dos-por-dos na kahoy at binabato ng malalaking bato.

“sa likod mo!” ang sigaw ni Rence. huli na ang lahat. Duguang nakahandusay ang katawan ng binata sa gitna ng kalsada. Umaalingawngaw ang wangwang ng mga pulis na laging huli dumarating kung saan ay tapos na ang digmaan sa isang banda. iisipin pang ilang lakad lamang ang layo ng istasyon ng Pulis sa pinangyarihan ng digmaan ng dalawang grupo.

nasawata ang napakaraming Pillbox na hindi pa napapasabog, mga lanseta at beinte nueveng patusok, ipinosas ang mga inabutan, isinakay sa ambulansiya ang mga nasaktan – isinakay sa Police Mobile ang mga nahuling kasali sa laban.

NGITI

“wala pa bang dalaw sakin?” ang tanong ni Rico sa Jailguard. “wala pa! limang taon ka na dito wala pa ring dumadalaw sa iyo. may pamilya ka ba talaga?” ang nang-iinis na wika ng Pulis, kasunod ng matunog na halakhakan ng mga nakarinig. idinemanda silang lahat ng ama’t ina ng napatay nila sa laban na si Popoy na isang anak-mayaman. Pulis at abogado ang mga kamag-anak ni Popoy, dahilan upang hindi sila makalabas lahat.

sa kanilang tahanan, nakangiting nakikipag-usap ang kanilang ina sa telepono. “oo anak, gusto ko na ring diyan na manirahan. nakakabagot na dito sa Pilipinas, mula nang lumipat tayo ng bahay eh hindi na ako masyadong nakalalabas at nakakapagsaya.” ang masayang wika ni Aling Lourdes. “Nay, tama. uuwi ako diyan sa katapusan para ayusin na ang mga papeles niyo at nang makapunta na tayong lahat dito, sayang naman itong bahay na nabili ko kung ako lang ang maninirahan.” ang masayang wika ni Romeo na nasa kabilang linya. “mas mabuti na nga ang gayon iho”.

nag-migrate silang pamilya sa Australia. “kung buhay lang sana ang Kuya Rico mo, tiyak kong matutuwa iyon”. ang wika ng kanilang ina. “kung hindi lang sana siya napatay sa riot na yun, malamang kasama natin siya sa ngayon!”. napangiti si Romeo nang palihim. buo na ang desiyon niya na hindi sabihin sa ina ang katotohanan.

— w a k a s —

 

————————————————————–

 

sign forever

h1

Spirit of the GRASS

Oktubre 11, 2007

octoberkapraningan.jpg

napakaraming mga bagay-bagay na kinakailangan kong isulat para maging isang blog entry ko this week, napansin ko kasi na bihirang-bihira na ako mag-post ng entries so this time kailangan habaan ko at kailangan itodo ko. here goes…

SPIRIT OF THE GRASS

- anak ng pitong puting pusa naman. sa ginabi-gabi na lang na uwi ko eh nalalanghap ko ang hinihitit na MARIJUANA ng mga GANGSTERS sa lugar namin. PUNYETA! okay sige hindi lang mga GANGSTERS pero 99% eh mga GANGSTERS talaga. oo aaminin ko, GANGSTER ako… pero noon yon, siguro nalaman ko na hindi naman kinakailangan sa buhay yung mga ganoong klase ng bagay. okay na na mga kabarkada ko sila – pero PUCHA iba ito. antitigas ng mga pagmumukha nilang humitit ng MARIJUANA sa lugar namin. NYETA – kung hindi lang sana mga kupal yung mga pulis sa lugar namin, ansarap sanang itawag at ipadampot lahat – pero wish ko lang mapalitan silang lahat LECHE! nung kelan nga nanood kami ng OUIJA – at nauso na nga na imbes na SPIRIT OF THE GLASS eh kung anong kademonyohan ang mga pumasok sa kukote nila at nag- SPIRIT OF THE GRASS sila. PUCHA!

SINO BA SA KANILA?

- naaning ako last Saturday Morning nang makasama at makainuman ko yung long-time crush ko – me picture-taking pa ngang naganap dahil talagang hindi ko pinalagpas ang moment na iyon. nitong mga nagdaang mga araw, palagi akong nakangiti dahil naaalala ko iyong umagang (madaling-araw) na iyon at kinikilig-kilig pa rin talaga ako. pero kagabi, naisip ko… iba pa rin yung mahal ko. pero nalilito ako kasi nung makita ko na naman kagabi si crush eh pumintig na naman ang puso ko. PUCHA, tataka tuloy ako kung LOVE ba to o LUST lang. ah ewan… we’ll see na lang sa mga susunod na kabanata.

PANONOOD NG TV

- kapag nanonood ako ng TV sa madaling-araw, dahil nga me insomnia na ako at makakatulog lang ako kapag 5am na eh kinakalkal ko ang lahat ng channels sa cable – pero grabe nung masimulan kong mapanood ang KITCHEN CONFIDENTIAL, naadik na ako kasama yung kababata ko. ang saya kasi, hindi mo aakalaing may mga nangyayaring confidential na bagay sa loob ng kitchen gaya na lamang ng sex haha. ang cute ng palabas grabe. nito ko lang din napagtanto na kinakailangan ko na ring subaybayan ang SUPERNATURAL, hindi dahil sa mga aktor kundi sa mismong takbo ng istorya. hindi ko na nga masubukang panoorin ang NIP/TUCK dahil parang ayoko na nun, hindi ko naman mapagtyagaang panoorin ang HEROES dahil hindi ko rin naman siya nasimulan kaya haiz.

sign forever

h1

Sina Pacquiao, Teri at Batang Z

Oktubre 5, 2007

tatluhan.jpg

napakabilis talaga ng araw at biyernes na naman nang hindi ko man lang nararamdaman dumaan na naman pala ang ilang araw. ala pa kaming pasok nung myerkules kaya talagang parang napakabilis ng isang linggo. napapraning na rin ako sa kakaisip ng studies na binabalak ko to the point na napapanaginipan ko na ito – at wag ka! isa itong nakakatakot na bangungot, but i will not take that as a reason para hindi ko na ituloy ang mga plans ko.

nitong mga nagdaang araw ko rin napansin na puro pala mga makalumang pambatang pelikula ang palabas sa Cinema One tuwing 11:00 AM, gaya na rin ng mga pelikulang BIOKIDS (kung natatandaan niyo pa sina Red Lion 1, Green Dragon 2, Blue Eagle 3, Yellow Tiger 4, at Pink Panther 5 – na sama-samang nakikipaglaban kina Bembol Roco, Sammy Lagmay, Ai-Ai delas Alas, Chinkee Tan at ang walang kamatayang Computer Monster na si REXORR) kung saan ay uso pa ang paglalaro ng Family Computer at kung saan eh halatang hindi mga bata ang mga tumatambling-tambling at gumagawa ng stunts, isama na rin natin ang naglalakihan nilang mga helmet at ang nagliliitang mga motorsiklo, at kaninang bago nga ako pumasok eh napanood ko naman ang BATANG Z na pinagbibidahan naman ni Tom Taus na ngayon nga eh napapabalitang bakla.

andami na ring nangyayari like nagkagulo sa website ng ABC na siyang producer ng Desperate Housewives na sa sobrang desperada eh nanlait na ng mga Pinoy para maka-harvest naman ng atensiyon sa iba – sikat na sikat sila in fairness dahil lamang sa simpleng linyang binitawan ng pokpokitang si Teri Hatcher at sa walang modong sumulat ng script na yun. lalaban na naman ang pambansang kamao na si Manny Pacquiao – at hihinto na naman ang ikot ng mundo. wish ko lang na hindi magkamali ang kakanta ng Lupang Hinirang.

oo alam kong walang ka-kwenta kwenta ang post na ito pero pag-isipan mong mabuti, baka meron kahit kaunti. siguro talagang nabablangko na ang utak ko ngayon sa pag-iisip ng magiging post ko. siguro sa susunod na lang.

sign forever

h1

Batang X

Oktubre 1, 2007

batangx.JPG

nakakabanas, nakagawa na ako ng template para sa “diary” at “kapraningan” na posts ko pero hindi pala kasya ang 500 pixels, tama lang pala yung 400 pixels, pumangit tuloy dahil tinamad na akong ulitin. haiz. but eniweiz, tuwang-tuwa ako kanina sa dashboard ko kasi andaming comments (hehehe!) hindi dahil adik ako sa comments pero dahil yun sa idea na may mga bumabasa pala talaga sa blog na ito kahit la naman ka kwenta-kwenta. salamat mga readers and bloghoppers ha!

parang napapansin ko na bumababaw na ang kaligayahan ko ah! ni hindi na nga ako lumalabas ng bahay dahil nakukuntento na ako na magpasikut-sikot sa loob ng bahay at magakyat-panaog sa hagdanan – siguro ganito talaga pag nagmamature.

BATANG X

bago ako pumasok sa office kanina eh nanood muna ako ng BATANG X! naaalala niyo pa ba ang mga batang nagligtas ng mundo noong 1995? bigla tuloy bumalik ako sa pagkabata, twelve years na ang nakakaraan nang mapanood ko yun sa movie na talaga namang kinabaliwan ko – siyempre naman eh bata pa lang ako noon eh biruin mong 10 years old pa lang ako nun. feeling ko nga noon eh ako si A-Gel. at wag ka! pinangarap ko ring maisuot ang costume ni A-Gel, natatandaan ko pa na sa sobrang kapraningan ko sa Batang X noon at hindi ako mabilhan ng costume – eh bumili ako ng mga cartolina na iba’t-ibang kulay, kakulay nung suot ni A-Gel at bumuo ako ng sarili kong costume. siyempre bata ako kaya napakapangit nung ginawa kong yun at sa ngayon nga eh natatawa na lang ako sa sarili ko sa mga katarantaduhang pinaggagagawa ko nun. SYET!

sa sobrang kapraningan ko sa Batang X eh pinanood ko yun ng mga apat na beses sa sine at naghanap pa ako noon ng VHS Tape ng Batang X pero la naman ako makita – at siyempre mahal pa yun noon at malamang naman na hindi ako makabili nun. sinubaybayan ko rin yung Series nila sa TV at siyempre sa Komiks – o di ba ADIK talaga! ilang beses nga akong nanaginip noon na lumilipad kagaya ng pilay na si A-Gel, minsan pa nga nagdadasal ako na kahit mapilay na lang ako basta makalipad lang ako kagaya ni A-Gel. Sobrang saya ko talaga kanina na napanood ko na naman ang Batang X, sa ngayon si Kidlat (John Pratts) na lang ang nakikita ko sa TV at Movies, ala na yung iba pa niyang kasama – paminsan-minsan lumalabas-labas pa rin sina 3-Na (Anna Larrucea) at Control (janus del Prado) pero bihirang-bihira na nga talaga. nawala na yung idol ko na si A-Gel (John Ace Zabarte) at yung palagi niyang kabugbugan na si (G-Boy) JC Tizon. nakakalungkot tuloy.

kagaya nga ng narinig ko sa sinabi ni Kwago (Michael de Mesa) kanina sa Batang X – “may mga taong takot bumalik sa nakaraan!” – Oo tama yun, ako oo paminsan-minsan, natatakot ako kasi nakakalungkot nga namang isipin na lumilipas na ako – hindi na ako kagaya ng dati na bata at puro laro lang ang inaatupag. hindi ko na magawa yung mga pinaggagagawa ko noon na paglalaro ng mataya-taya, langit-lupa, sili-sili, ten-twenty, tumbang preso, follow the leader, tom sawyer at five-ten. kung bibigyan talaga ako ng kaisa-isang kahilingan gusto kong bumalik sa panahon ng pagkabata ko – aayusin ko lahat ng mga nasira ko at ieenjoy ko ang lahat ng bagay sa pagkabata. ikaw ano ang wish mo?

 sign forever

h1

October 2007

Oktubre 1, 2007

octoberdiary.jpg

===========================

October 1, 2007 – MONDAY

haiz. ulan naman ng ulan! minsan tuloy kakabanas – maputik kasi – pero minsan ayos lang, malamig kasi ang panahon. pero iba na ang usapan kapag BAGYO na! but eniweiz, maaga ako nagising at magpapagupit nga sana ako pero hindi naman natuloy dahil nga ala naman yung paborito kong barbero, dahil siya lang naman ang nakakaalam ng “tamang look” para sakin – kaya kinakailangang siya lang ang manggupit sakin, tumatakbo kasi ng pagka-kagawad ang hayup na yun kaya napapabayaan na niya ang barberya niyang siya lang naman ang nanggugupit. hindi ako na-late… kakatakot kanina sa office – nagagalit si bossing dahil sa punyetang program, pero naayos naman. hindi ko na tuloy alam ang gagawin ko at kung papaano ako makakapagsend ng mga komento sa Me Too na yun.

October 2, 2007 – TUESDAY

kamustahin naman natin ang lakas ng bagyo huhuhu :-( kakabanas kasi super-porma pa naman akong pumasok sa office tapos paglabas ko pa lang ng bahay eh nagwawala na ang ulan. waaaaaaaaahh! kabanas kaya! sana naman hanggang ulan na lang muna, mahirap kasi pag bagyo na ang pinag-uusapan eh MALUPIT! well eniweiz eto ako ngayon sa opisina at nagsisisi kung bakit hindi ko ba tinuluyang isuot yung jacket na Dickies na ibinigay sakin ni Ace, kabanas tuloy sa sobrang lamig. inayos ko yung mga pwesto ng teachers kanina, at least hiwa-hiwalay na at mas maayos na ang itsura hehehe! bukas la na namang pasok at may usapan na naman kami nina Mar at Herson ng inuman hehehe.

October 3, 2007 – WEDNESDAY

wala kaming pasok sa ngayon dahil nga KOREAN holiday. maaga pa lang kinukulit na ako nina Mar at Herson – hapon na akong nagising dahil nga hapon naman yung usapan naming mag-inuman. shala kami kasi pumunta muna kami sa In or Out Bar kung saan nag-videoke kami ng wantusawa – at may nakita pa kaming EYECANDY. haha dabest! tapos dumiretso kami ng mall kung saan eh nag-videoke na naman kami sa CENTERSTAGE kakapalan nga naman ng mukha ng mga bangenge… – pagbaba namin, hinatak ko sila sa Goldilocks para doon na mag-dinner. ayos na ayos – saka naman kami dumiretso ng Novi’s KTV para ituloy ang inuman at videokehan. bangenge talaga kami to the highest level at nang-asar na naman ako sa mga chizmozang neighbors namin. nakatulog kaagad ako.

October 4, 2007 – THURSDAY

napakaaga kong nagising saktong 3:00 AM, me hangover tuloy ako at napakasakit ng ulo ko. kumain na lang ako at nanood na lang ng TV. natulog ulit ako ng 7:00 AM, nagising naman ako ng 11:10 AM para mag-ready nang pumasok. nagkita na kami ni PAURONG (Emo Sevenfold), kasi ibinigay ko na nga sa kanya yung CDs ng mga collection ko ng Movies na pina-BURN ko kay Jericho. hindi naman kami nakapag-usap man lang ni PAURONG kasi parehong me gagawin pa kami. sabi ko next time na lang. nakakatuwa kasi nung nasa bus nako papuntang office – me sumakay na napakagandang kolehiyala, andami kayang bakanteng upuan sa harapan (nasa bandang gitna ako!) pinagtitinginan talaga siya ng mga tao (including mga babae – maganda talaga siya) biruin mo ba namang sa akin pa tumabi. WAAAAAAAAAH! nanindig talaga mga balahibo ko sa sobrang KILIG – yun ang masasabing KILIG TO THE BONES! anlamig na nga ng aircon lalo pa akong nilamig kasi katabi ko nga siya. nagpaka-gentleman ako at itinutok ko sa kanya yung isang labasan ng lamig ng AIRCON. bwa hahahaha!

October 5, 2007 – FRIDAY

nakz naman FRIDAY na naman. himalang nakatulog ako ng 2am. nagising akong nakangiti sa sobrang saya at nakatulog nga ako ng maayos kagabi. nakakatuwa kasi nga hindi ako na-late or whatever na hindi magandang nangyari. kaso pinapupunta ako sa Immigration sa Lunes – kung saan ako nakaranas ng kauna-unahang holdap. hindi ko na lang dadalhin ang fone ko. at sobrang ingat dapat – kung kinakailangang mag-taxi, magtataxi ako. nirereformat na namin ni Jericho yung mga PC para hindi naman sabihing wala akong ginagawa. wala ngang kwenta yung mga posts ko dito eh. la kasi ako sa mood!

October 6, 2007 – SATURDAY

bangenge kami nina Romnick at Joshua, nagkayayaan kasi kaming mag-inuman sa bar dahil wala lang. trip lang namin. nakailan din ako, nakipagsabayan kasi ako ke Romnick samantalang alam ko naman na matinding manginginom yun. mga 3am na kami nagsiuwian. nang pumasok nako sa bahay, sumilip muna ako sa Gendai (ang dati kong kuwarto na kasalukuyang tinitirhan nina Marit) andun sina Jaypee, Marit, Ron, Pocz, at Tina, niyaya nila akong uminom at siyempre hindi ko naman sila tinanggihan, syempre gusto ko rin naman silang maging kaibigan. so yun na nga nauwe sa umabot na kami ng umaga sa pag-inom at sumusuka na talaga ako (kakahiya nga eh) pero kumain muna kami sa Valencia. nagising akong napakatindi pa rin ng hangover. ilang beses akong bumalik sa pagtulog, nang bumaba na ako – hindi na namin naituloy yung usapan naming inuman na naman ng 6pm. pero masaya ako kasi me mga bago akong kaibigan. nagkuwentuhan na lang kami ni Herson bout last night, sayang at hindi siya nakasama.

October 7, 2007 – SUNDAY

maghapon na naman akong nasa bahay kain-tulog-nood ng TV. pinanood ko din yung laban nina Manny Pacquiao at Barrera, siyempre panalo na naman si Pacman – sa totoo lang hindi ko talaga gusto si Manny Pacquiao at yun ay dahil sa hindi ko naman talaga gusto ang panonood ng boxing – pero in fairness, natuwa ako at nanalo siya, siguro kasi isa na naman itong achievement para sa mga Pilipino.

October 8, 2007 – MONDAY

maaga akong nagising kasi pumunta ako ng Bureau at Immigration – syempre medyo kabado ako dahil kamakailan nga lang eh naholdap ako ng mga tukmol na rugby boys – so handa na ako na anytime na may sumakay na hindi maganda ang ikot ng mata – eh bababa talaga ako by hook or by crook, awa ng diyos ala naman. napakabilis ko lang na na-process yung Extension Visa ng boss ko at umuwi kaagad ako. nakatulog pa nga ako, at late nang nagising – na-late tuloy ako sa work. pero nakakatuwa pa rin kasi basta masaya lang.

October 9, 2007 – TUESDAY

umaga na ako natulog – pero sakto naman ang gising ko. napakaaga kong nakarating sa office – nagkuwentuhan muna kami ni Rose hanggang sa dumating na lahat. umalis na yung mag-iinang Koreana, mabait pa naman yung bunso… natapos na naman ang araw ko – na madame-dame ring nagawa. in fairness hindi ako gumawa ng blog entry.

October 10, 2007 – WEDNESDAY

umaga na naman akong natulog at sakto rin naman ang gising ko. pumasok ako ng hindi late at BIRTHDAY pala ni MS. EVE ngaun. party na naman hehe. malapit na naming matapos yung pagaayos ng mga PC – kung saan eh niloloadan namin ni Jericho lahat ng CPU para maibenta na.

October 11, 2007 – THURSDAY

inumaga na naman akong natulog – naiyak pa ako sa isang palabas sa TV… Maury – hehe. napakababaw naman ng luha ko. ibang klase kasi eh. nababanas ako sa bahay dahil ginagawa nang tambayan ng mga Temple. yung ex-bro ko kasi eh hindi maintindihan kung bakit ganun siya. Leche panganay pa naman siya tapos ni hindi siya mapakinabangan. bat kaya hindi siya maghanap ng trabaho? 24 anyos na siya umaasa pa rin siya kay Mama – isipin niya naman yung ibang tao. Pucha.

October 12, 2007 – FRIDAY

hindi ako lumabas maghapon dahil nga sa wala naman akong gagawin kung lalabas ako. ala rin namang pasok sa office kaya nanahimik na lang ako sa bahay maghapon magdamag. inuman sana kami ni Mar at Herson ngayon pero pumunta pala sila ng Batangas at hindi naman siya makaluwas dahil wala siya alibay sa asawa niya. sabagay, me pamilya na sya kaya mahihirapan talaga siya.

October 13, 2007 – SATURDAY

haiz. maghapon na naman akong nakatulog. hindi kasi kami natuloy nina Mar at Herson sa inuman. pero dahil nga wala kaming magawa ni Herson eh niyaya na lang namin si James na mag-inuman sa Novi’s tapos me kasama pa si James na si Macmac. ayos naman ang kantahan at inuman. masaya, lalo na nang biritan ko sila ng Kahit Isang Saglit at saka Total Eclipse of the Heart na talaga namang pinalakpakan ng madla. ni-requesan pa nga ko nbg Victims of Love na pinagbigyan ko naman hehe. nag-inuman pa kami sa bahay kasama sina Marit at si Raymond – na may pagtingin naman kay Tina hehehe. kulet. bangenge na talaga ako kaya natulog ako.

October 14, 2007 – SUNDAY

badtrip – maghapon lang ako sa bahay at natulog-nanood ng tv-kumain etc. hindi man lang ako lumabas ng bahay hehehe :-) at least napanood ko na ang Superman Returns at Kitchen Confidential. hirap ng alang anda… nananahimik ako sa lungga ko.

October 15, 2007 – MONDAY

me pasok na naman kami ngayon. ayos na ayos – kaso na-late ako kasi hinahanap ko yung cap ko na hindi ko na talaga matandaan kung saan ko nailagay. haiz – sayang naman yun, antagal na sakin nun, malapit na mag one year tapos nawala pa. huhuhu! well eniweiz – hindi ko inaasahang yun ang mangyayari sa pera ko. naku. kinakailangan ko na pong mag-ipon! BAKIT HINDI KO KAYA! late na ako nakapasok nababanas ako sa epal na feeling boss sa office – kabanas. ang lalaking ewan. epalogs grabe – feeling matalino, eh siya nga itong hindi nakakaalam ng program… etc.

October 16, 2007 – TUESDAY

hindi na ako natulog pagdating ko ng bahay. kinakailangan ko rin naman kasing gumising ng alas-tres ng madaling araw para maghanda sa pagpasok. 5:00am ang pasok ko at kinakailangang 4:00am eh nakasakay na ako ng jeep papuntang San Juan then sasakay ulit ng jeep papuntang Madison. haiz. ayos naman nakaka-thrill GRABE! dabest yung feeling na 4am pa lang eh papasok na sa office – imbes na 7am eh napasarap kami ng wentuhan ni Rose kaya 9:30 na ako umalis. nakuha ko na yung fone – natulog ako ng mga 1 1/2 na oras saka ako lumarga naman para magpa-haircut… haisalamat at nakapagpa-haircut na nga ako. hindi ako na-late sa sked ko na 4:00 PM. birthday ni Teacher Jessica, busog na busog ako, andami kong kinain kasi nagluto muna ako ng Mushroom Soup, then umorder ng Spicy Chao Fan sa Chowking – na kinain ko ng dinner at saka kumain kami ng cake. haiz.

October 17, 2007 – WEDNESDAY

isang napakasayang araw. pagkagaling ko sa work eh dumiretso ako sa Novi’s para puntahan sina Herson, Mar at Mark na kanina pa nangungulit sa inuman. naabutan ko sila dun saka ako nakilaklak na rin sa kanila. syempre mawawala ba naman ang hiyawan at palakpakan kapag bumibirit na ako? haha. pagkatapos nun eh umuwi na sina Herson at Mark – dumiretso naman kami ni Mar sa HEAVEN’S haha. heaven ang nangyari – although walang sex encounter na naganap. still feels like heaven kasi me nakilala akong bagong kaibigan na nagbigay sakin ng sign na kinakailangan ko nang kalimutan ang mga nakaraan ko at sumige na sa paglalakbay sa buhay – la na muna ako hihilingin pa. sa ganito ba namang momentum me mahihiling pa ako? hahaha! first time na nangyari sakin ito. i love it! pagkagaling namin sa HEAVEN’s eh kumain muna kami then uwian na. saka lang ako natulog. sakto ang gising ko. naaalala ko pa rin ang mga nangyari kagabi. hahaha. saya grabe.

October 18, 2007 – THURSDAY

nice naman. hindi na ako umuwi, balak ko umuwi ng mga 7am. nagkuwentuhan kami ni Rose hanggang madaling-araw syempre nakatulog ako at na-late ng gising… kakatuwa tuloy hehehe! almost 9am na ako nakauwi – la kaming sawa sa daldalan. pag-uwi ko, nakatulog ako – sakto naman ang gising ko. nababanas ako sa mga taxi driver na nandededma ng pasahero na buntis pa. punyeta mabangga sana sila ng sabay-sabay at sila-sila lang ha! hahaha :-) manganganak na ata si Rose today. ah ewan sana nga manganak na siya para may bagong baby na sa Korean Big Brother House.

October 19, 2007 – FRIDAY

naaasar ako sa mga taong ewan. pumunta kami ng UDMC para ihatid yung mga gamit ni Rose. iniwanan ko si Rayan doon dahil maaga pa ang pasok ko. nag-inuman kami ni Herson sa Novi’s – dumiretso ako sa MC para makipagkuwentuhan kay Alvin. ang saya namin sa kuwentuhan. meron akong bagay na naiintindihan na sa ngayon. kumain kami sa kainan malapit samin habang nagkukuwentuhan pa rin. nakatulog ako. waaaaaaaah! at na-late buti na lang marunong si Teacher Eve. nanganak na si Rose at nagwawala daw sa hospital, humihingi ng tulong hehehe :-)

October 20, 2007 – SATURDAY

nag-inuman kami nina Joshua, treat niya, pero dahil nabitin kami dahil nga naadik na naman kami sa kantahan eh kailangan kong maglabas ng kaunti. nakakatuwa kasi napapansin kong nagiging sikat nakong singer – palakpakan ang labanan at hindi ako kaya ng iba, hindi nila napipigilang tumingin sakin. kaninang madaling-araw hanggang 11am eh binabantayan ko si Rose sa hospital, hirap siya sa panganganak dahil mala-1-year-old ang isinilang niya. buti na nga at tapos na. hehehe.

October 21, 2007 – SUNDAY

as usuall linggo kaya tanghali na (hep hep hep!) hapon na naman ako nagising, ginulantang naman ako ng
text ni Jasmine, binyag pala ni Amerie ngayon at ninong na naman ako – talagang pinatitibay ang
magkumare’t-magkumpare namin hehehe. pinasundo niya ako ke Arnold siyempre paimportante na naman kasi ako porke ako lang ang bisita. nakainuman ko sina Herson, Arnold at Kuya Andy (papa ni Arnold) na nagbukas ng aklat ng kahapon. hahaha, ala siyang memory gap in fairness. makalipas ang almost 2 years, bumalik ako sa bahay ng dati kong bestfriend – at welcome pa rin ako gaya ng dati. tataka nga ako kung bakit napaka-bitter ko ke Arnold. nalaman ko din na ako pa rin pala “gaya ng dati” ang tanging nakakapigil sa galit ni Arnold, sinusunod niya pa rin ako – although ayos lang din naman sakin kung hindi niya gagawin yun.

October 22, 2007 – MONDAY

nagising ako ng midnight at hindi na nagbalak na matulog pa. habang busy ako sa pagbabasa, tinext ako ni Mar at sinabing nasa tapat lang xa ng bakery. pumunta ako, ang aga ng ungas. nagpahatid ako sa work – kahit napakalayo. ayos lang naman sa kanya. masaya ako kasi may mga taong kagaya pa rin ni Mar although napakakulit niya madalas. antok na antok ako pero inayos ko lahat ng kinakailangang ayusin. natuto na nga talaga ako hehehe :-) nababanas ako kasi nawala na naman yung digicam ng mga bossing ko, ang masama – si rose ang humiram nun, kaya kailangan niyang bayaran – bat hindi na lang kasi mategi yung mga magnanakaw na yan. PUCHA! babayaran ni rose ang isang bagay na napakamahal niya at ni hindi niya napakinabangan… pakingsyet. sana lumubog sa kinatatayuan niya ngayundin ang sinumang nangnenok nun. bwiset!

October 23, 2007 – TUESDAY

dapat hindi ako uuwi, pero dahil kailangan ata ng malalabasan ng sama ng loob ng dati kong bestfriend eh umuwi ako para sa kanya – hindi naman kasi ako ganun kasama na tuluyan nang magpapakalayo ng damdamin sa kanila. naging maayos naman, bumalik ang sigla ko – may isang bagay akong kinakailangan tanggapin in order for me to win this game of life. mahirap pero kakayanin ko. kailangan eh. nakatulog ako pero ayos naman ang pagpasok ko kahit me isang pasahero kanina na mukhang Taliban. bumalik na si Rose galing sa Nova – hindi niya kineri. sa office ako slip kahit na ni-lulure ako nina Mar, Herson, Joshua at Jaypee dahil nga nag-iinuman na sila – hindi ako nagpadala. late na rin nakatulog dahil nagkuwentuhan muna kami ni Rose pero maayos na rin at least me tulog na ako.

October 24, 2007 – WEDNESDAY

sakto akong nagising, napakaaga. hindi na muna ako nagbihis, nakapantulog akong pumasok sa CC dahil balak kong mag-weights kapag tapos na ang work ko, kailangan ko na rin kasing mag-ayos ng looks ko ngayong malapit na naman ang pasukan (O.A. June pa yun) ngayon ko nakita ang hirap ng isang first-time na nanay sa pag-aalaga ng infant. PUCHA kakaaning, ganyan talaga pag nanay ka. maayos ang naging araw ko, pwera na lang ang unang tumambad pagpasok ko ng 4pm ng hapon. masaya naman. grabe hehehe.

October 25, 2007 – THURSDAY

umuwi pa din ako ng bahay after work, hindi na ako natulog, naglaro na lang ako ng Command & Conquer: Game of the Generals – courtesy of my friend Mr. Jercho Ginger Licerio hehehe. tenkyu! tenkyu! dahil bumalik na naman ako sa pagkabata hehehe :-) napakaaga kong nagbyahe papuntang work, in fairness ang aga ko, hindi pa rin nawawala yung creepy feeling kapag naglalakad ako sa loob ng Subdivision na ako lang ang tao waaaaaaaaaaaaaah! scary talaga andami kong naiimagine. itinuloy ko na naman ang workout ko. pero hanggang weighlifting lang dahil hindi kinakaya ng stomach muscles ko, painful talaga. nagsearch ako sa net, at nalaman kong maling-mali ang ginagawa ko. proper diet pala muna dapat at hindi dapat binibigla ang muscles. umuwi ako at nakatulog naman kaagad. pumasok ako ng 4pm. la pa rin sina bossing. haiz.

October 26, 2007 – FRIDAY

pag-uwi ko sa bahay eh nag-inuman kami ni Arnold at Herson. kumanta kami at uminom talaga. tapos nakita namin si Kurt na nakakabanas naman ang real name. at siyempre hindi ako nagising na suppose-to-be eh me pasok ako. hindi ako nakapasok, dahil nga 10:30am na ako nagising. nakakatuwa kasi natanggap ko na yung credit card ko – makakabili nako ng phone hehehe. pagpasok ko sa work lalong sumaya sa hindi malamang kadahilanan hehehe. la pa rin sina bossing. nakausap ko sa phone si Jomar (ervas) nakakamiss din na wala siya. nanakit na naman nga ang tenga ko, dahil gaya ng dati medyo telebabad kami. me usapan kami nina Mar at Herson sa Novi’s pag-uwi ko – sayang at hindi matutuloy yung lakad namin.

October 27, 2007 – SATURDAY

napuyat na naman ako sa magdamag, pero hindi naman ako nakainom or whatever, basta napuyat lang ako. nagising ako – tanghali na. ala naman akong ginawa kundi, matulog, manood ng tv at kumain. dumating sina norton at janice; gabi na yun pero nang-aasar si Kuya Norton. he he he!

October 28, 2007 – SUNDAY

tanghali na naman ako nagising… pumunta ako ng SM Sta. Mesa para kumuha ng fone gamit ang new HSBC credit card ko. nagtagumpay ako at nakapag-uwi ng SAMSUNG SGH-E250, maganda siya at siyempre kulay itim para mukhang maayos naman he he he! salamat sa HSBC hehehe :-) as ussual, puyat na naman ako. katext ko magdamag sina Josh at Jasmine, pumunta daw kasi sila kasama si Julia sa Baclaran para sa Opening ng bago nilang negosyo. take note na alas kuwatro yun ng madaling-araw.

October 29, 2007 – MONDAY

barangay elections at maaga pa lang eh wala nang tao sa bahay, siyempre para magbigay ng “full support” sa mga bet nilang kandidato. gabi na sila nagsidatingan. dumating si Shiela, dumalaw lang naman, nagulat pa siya nang malamang na-approve na pala ako sa HSBC na sya mismong nag-sales talk sakin. gumawa kami ng mga MUsic Videos ni Herson sa baba ng bahay namin – siyempre asaran. bukas may pasok na naman at malamang na hindi na naman kami ma-bore hehehe :-)

October 30, 2007 – TUESDAY

maaga naman akong pumasok dahil hindi na naman ako nakatulog, sakto pa rin naman ang dating ko although nakakatakot sa byahe dahil nga dala ko ang new fone ko at bumiyahe ako ng 4am. sanay na talaga ako sa scheduling he he he :-) pag-uwi ko – tulog kaagad ako at pumasok ulit pagkagising – oo sige bitin na naman ang sleep ko pero ayos na rin. biruin mo ba namang napakaaraw kaninag umalis ako sa opisina ng 9:00am tapos pagbalik ko ng 4:00pm – bumabagyo! umaapaw ang lahat-lahat, na-stranded ako sa Madison sa lakas ng ulan, kung kailan kailangan kong maaga, buti na lang pagdating ko naisaayos na ni Rose ang dapat ayusin sa schedule dahil absent nga sina Joy at Jericho. nasa office si Jekay – dalagang-dalaga na… nakakapanibago. dati-rati makulit na bata lang yun.

October 31, 2007 – WEDNESDAY

sa room ako ni Rose natulog kasama sina Rose, Baby Andrei, Jekay at Roan, kuwentuhan na namang umaatikabo kami ni Rose, katextmate ko pa hanggang 2:00am sina Jasmine at Arnold. nakatulog na ako ng 2:00am. nagising ako ng 4:45am, dumiretso na kaagad sa office kahit naka-pantulog pa ako he he he :-)

===========================

sign forever

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.