Imbakan para sa Setyembre, 2007

h1

Gusto Ko Na Mag-Iskul!

Setyembre 28, 2007

schooling.jpg

napakarami na namang mga bagay-bagay ang sumasalaksak sa utak ko nitong mga nakaraang araw. napag-isip-isip ko kasi na kinakailangan ko na talagang mag-college. sa INFORMATICS nga dapat ako at kukuha na lang ng Computer Science, pero nang dumating si Jon-Jon last Saturday eh binigyan niya ako ng idea na sa Universidad de Manila na lang mag-aral… la rin naman akong balak mag-aral sa mga mamahaling eskwelahan dahil unang-una eh ayokong gumastos, pangalawa – wala rin naman talaga akong gagastusin, at pangatlo kung ayaw ko na eh hindi naman nakakapanghinayang na iwanan – pero hindi rin… malamang na ituloy-tuloy ko yun anuman ang mangyari.

panahon na rin naman kasi para isabuhay ang mga ideas sa utak ko at tuparin ang mga pangarap ng isang prinsipeng katulad ko. kakabanas lang naman kasi na eto na naman ako at naguguluhan kung anong course na naman ang kukunin ko – problema ko rin dati yun kaya nga hindi ako nakapag-college kasi naaaning ako sa kung anong landas ba ang tatahakin ko. kinakailangan ko ng FINAL DECISION.

siyempre una sa lahat eh gusto ko rin naman malaman kung ano ba talaga ang mga kwenta ng apat na courses na napili ko. siyempre isa lang ang pipiliin ko at yun ay kung ano sa apat na iyon ang mapapakinabangan ko talaga ng todo-todo, ano ang kailangan ngayon sa world market at kung anu-ano pang dahilan para piliin ko siya. ayoko rin naman kasi ng pa-shift shift ng course, maganda yung kung ano ba talaga ang mapipili ko eh, yun na yun forever.

eto nga pala yung mga course na pinagpipilian ko:

1. – Bachelor in Mass Communication
2. – Bachelor of Science in Secondary Education Major in English
3. – Bachelor of Science in Computer Technology
4. – Bachelor of Science in Computer Engineering

ano kaya sa apat na iyang ang kinakailangan ko nang simulang pag-aralan para ako ang maging SUMACUMLAUDE sa school na papasukan ko. haiz, gulung-gulo na talaga ang utak ko. kinakailangan kong mapili ay yung talagang magugustuhan ko at siyempre yung pakikinabangan ko talaga ng husto.

gusto ko maka-graduate ng college para naman maipagmamalaki ko ang sarili ko at maipagmalaki rin ako ng mga kapamilya at kaibigan ko… isama ko na pati mga ka-PUSO (bwa hahaha!) gusto ko kasing matupad yung mga bagay na pinapangarap ko like, makaipon, makabili ng bahay at sasakyan… mapasaya ang nanay ko at ang buong pamilya ko. etc. basta lang, hindi naman ako makasariling tao para puro kaligayahan ko lang ang iisipin ko.

isa pang dahilan na gusto ko na talagang bumalik sa school kasi nga gusto ko rin maka-meet ng mga bagong kaibigan at kabarkada – hindi dahil sa sawang-sawa na ako sa mga pagmumukha ng mga current friends ko kundi gusto ko pang dumami ang friends ko sa friendster hehehe.

excited na ako…

sign forever

h1

Desktop Free View

Setyembre 27, 2007

na-tag ako ni RHAPSODY, pero nagkamali ako… masyado na kasing late yung pag-view ko. na-tag niya pala ako sa DESKTOP FREE VIEW! so sorry sa nangyari Rhapsody… wala rin naman akong balak na burahin ang entry koi about sa Christmas Wishlist, basta ayos na rin na dalawang tag ang nasagutan ko hehehe!

 

eto nga pala ang VIEW ng desktop ko…

desktop.jpg

mahilig ako maglalalagay ng kung anu-anong folders sa desktop. so ayan na nga. nanjan yung mga icons ng mga program na palagi kong ginagamit like Mozilla Firefox na siyang browser ko. Sithink FLV Player na taga-play ng mga nadodownload kong FLV Files like Xtube, Youtube at Thepinoytube, meron din yang Youtube Downloader, nandiyan din ang Converter ng kahit na anong klaseng file to kahit na anong klaseng file, at siyempre ang paborito kong Puto Shop (Adobe Photoshop).

yung mga personal icons ko naman eh mga important files lang like yung notepad file ko na kina-copy-paste ko lang para maging link sa mga friendster comments direkta sa blog kong ito, mga kakadownload ko pa lang na FLV Movies at siyempre yung folder na naglalaman ng mga downloads ko.

yung job icons naman eh yung mga folders ng mga nakatenggang gagawin ko, mga folders para sa mga naitago kong files na ginagamit ko sa work ko ginagamit ko pa man ito o hindi na. at siyempre yung lahat basta tungkol sa trabaho.

madalas kong pinapalitan yung wallpaper ko, basta may nagawa akong panibagong image na inedit-edit ko at nagustuhan ko. yun ang inilalagay ko… pero sa center lang… ayokong naka-tile kasi nakakahilo at ayoko ring naka spread kasi wala lang basta gusto ko kung gaano talaga siya kalaki yun lang siya. paborito kong kulay ang black kaya siya ang kulay ng buong background.

well well well. sino naman kaya ang i-tatag ko dito eh nahihiya naman ako sa kanila at baka sabihin nila eh “tanggalin ko na kaya ito sa blogroll ko!” di ba??? so bahala na basta tinag ko sila tapos.

Tinag ko nga pala sila:

PAURONGTURISMOBOIBARBARA BAKALTOTO LEYTBILLYCOY

sign forever

h1

Christmas Wishlist

Setyembre 27, 2007

Na-tag na naman ako. Walang iba kundi si Rhapsody na hindi ko malaman kung bakit kagaya ng Rhapzo-Dee ko bwa hahaha! well. eniweiz, pareho siguro naming peborit ang song na Bohemian Rhapsody.

Teka.. teka.. teka.. eto na nga ang ilang mga wishes ko this Christmas na nawa’y matupad po Lord…

My Christmas Wishlist:

1. Sana po ay makapa-start na ako ng pag-aaral next year (2008) kating-kating na kasi ako umupo sa mga sirang bench etc. at makakilala ng mga bagong frends na makakasama ko sa iba’t-ibang gimikan.

2. Makapasa po sana ako sa Entrance Exam ng anumang University na aaplayan ko. siyempre naman, hindi ako makakapag-start ng studies kung hindi ko naman maipapasa ang Entrance Exam diba???

3. Sana maging napaka-happy ng family ko and especially my Mom and I. sana hindi na kami malungkot at wala masyadong mabibigat na problemang dumating sa life namin. naman naman pagod na rin naman ako sa ka-sosolve ng kung anu-anong problema sa life. wish ko naman ng rest.

4. Sana yumaman ako.

5. Sana magkaroon ako ng mga gadgets na kinakailangan ko like Laptop (for blogging) at celfone (kasi naholdap nga diba)

6. Sana magkaroon ako ng kaibigang may special powers like mga diwata na magaganda na gagawa ng paraan para matupad ang anumang instant wishes ko. sana maging close kami na makakasama ko siya for a lifetime (NOTE: yung mabait na diwata ha!)

7. Sana walang magkasakit sa family ko at sa friends ko.

8. World Peace!

9. Sana matupad lahat ito.

Napaka-simple lang naman ng mga wish ko at wish ko na sana ay matupad ang lahat ng iyan.

sign forever

h1

Alma – So Hayskul!

Setyembre 20, 2007

alma-copy.jpg

kanina habang wala akong magawa at naghahanap ako ng magagawa eh nag-online ako sa YM. sakto namang naka-online si ALMA. sa mga hindi nakakakilala sa kanya. si alma ay yung kaklase ko nung first year high school ako sa Manila High School. actually siya yung pinaka-unang naging Close Friend ko that time. palagi kaming magkasama, nagkukulitan at naghaharutan. sabi niya nga sakin crush niya daw ako (crush lang ha!) so hayskul diba! marami kaming mga natatanging moments together nitong taong to. tapos nung third year ako eh umalis na ako sa Manila High School at lumipat na ng skul.

MOMENTS WITH ALMA…

kapag T.H.E. class na namin, eh malamang na magkatabi kami niyan (teka lahat naman ng subjects katabi ko siya ah!) tapos naghaharutan kami at palaging pinapagalitan nung teacher naming payatot. madalas nga nasasabihan yan na “Pangilinan! kababae mong tao napakaharot mo!” tapos magtatawanan na lang kami. hipuan to the max bwa hahahaha!

madalas magkasama kami sa lakwatsahan afterclass, like pumupunta kaming National Museum at paulit-ulit na titingnan at iikutin ang loob nun. madalas din kaming maghabulan sa Luneta noon kasama ang iba pa naming mga kaklase.

minsan napakalakas ng ulan at pareho kaming walang payong (kaming dalawa lang) nakasakay na yung mga kaklase namin pero kami ayun nahihiya kaming sumakay dahil basang-basa kami pareho… eh mantakin mo ba naman puno yung sasakyan sasakay ka eh basang-basa ka. so nilakad namin mula skul hanggang sa mga bahay-bahay namin. sa Quiapo siya nakatira that time kaya medyo lugi ako. wala pa siyang sando noon kaya bakat na bakat yung bra niya na polka dots ata na pula, sa sobrang basa nga namin. kuwentuhan lang kami sa pagtawid ng Quezon Bridge. haiz.

ilang beses niyang sinasabi na crush niya ako. pero ano ba naman ang alam namin sa mga ganoong bagay kaya hindi na lang namin iniintindi ang mga batang damdamin namin at ginagawa na lang ang mga bagay na dapat lang na ginagawa sa age namin.

PRINSIPE DILAN: ei musta!
PRINSIPE DILAN: ui suplada ka na ha…
PRINSIPE DILAN: kelan ba kasal???

Alma Pangilinan: nu bayang tnong mo!!!
Alma Pangilinan: san k?
PRINSIPE DILAN: d2 sa opis.
PRINSIPE DILAN: ayos naman tanong ko ah…

Alma Pangilinan: ano bayan???
PRINSIPE DILAN: eto picture ko just about 3 minutes ago…

dilanpnp.jpg

Alma Pangilinan: bkt my pool?
PRINSIPE DILAN: me pool dito!
Alma Pangilinan: talaga paligo nmn…
PRINSIPE DILAN: hahaha :-)
PRINSIPE DILAN: me papadala ako sau pic…

Alma Pangilinan: ah dami nmn bka mainlove n ko sau nyan ah
PRINSIPE DILAN: hahaha. :-)
Alma Pangilinan: taba mo n dun ah.hehe
PRINSIPE DILAN: pumayat na naman ako noh.
Alma Pangilinan: send ko n pics ko ngaun dito?
PRINSIPE DILAN: uu
Alma Pangilinan: ok bigay ko sau kaw n bahalang mamili ha.
Alma Pangilinan: magkape ka muna dyan.
PRINSIPE DILAN: nagkakape ako, galing ah!
Alma Pangilinan: wee.. parehas kau ng bf ko mga adddikkk!!!!
Alma Pangilinan: ok online me bks same time.chat tyo.
PRINSIPE DILAN: okidoki
PRINSIPE DILAN: hehe :-)
PRINSIPE DILAN: alis kanaba?

Alma Pangilinan: ganda ko n noh! di tulad dati di nyo ko napapansin huhuhuh :-(
PRINSIPE DILAN: hahaha :-)
PRINSIPE DILAN: ganyan naman na dati eh hahaha :-)

Alma Pangilinan: ano ka!
PRINSIPE DILAN: ganyan din kaya!
PRINSIPE DILAN: ala nagbago!

Alma Pangilinan: ayaw m nga skin eh gusto m kay christina… :-(
PRINSIPE DILAN: hahahaha :-)
PRINSIPE DILAN: patawa… hindi naman ah.

Alma Pangilinan: ahahaha :-)
Alma Pangilinan: weee…
PRINSIPE DILAN: ndi kaya.
Alma Pangilinan: ok.
Alma Pangilinan: kulot kasi buhok ko dati AHAHAHAH :-)
PRINSIPE DILAN: ayus lang naman yun ah.
Alma Pangilinan: iniisip ko mga nagbago sakin.
Alma Pangilinan: payat ako dati!
PRINSIPE DILAN: ngaun tababoy
Alma Pangilinan: sau ba?
PRINSIPE DILAN: ano
Alma Pangilinan: ano nagbago sau cge n share m n?
PRINSIPE DILAN: hahaha :-)
PRINSIPE DILAN: madami.
PRINSIPE DILAN: bwa hahaha :-)

Alma Pangilinan: like what?
PRINSIPE DILAN: tumaba… naging bobo!… pumangit… ???
Alma Pangilinan: ahahah.matalino k b dati???
PRINSIPE DILAN: nung 2nd year
Alma Pangilinan: ah ok sabi mo nga!
Alma Pangilinan: hehe :-)
Alma Pangilinan: ok lng pogi k p din.
PRINSIPE DILAN: uu.
Alma Pangilinan: dilan maya konti mag out muna ako ha 5mins. kc mamimili me ng lutuin ko.

Alma Pangilinan: oy sakit ng tiyan ko
Alma Pangilinan: breaktine muna ha. luluto narin ako.
Alma Pangilinan: para pag uwi mo may kakain na tayo
Alma Pangilinan: ano b gusto mo?
PRINSIPE DILAN: okei hon… hahahaha :-)
PRINSIPE DILAN: pag anjan na naman boypren mo!
PRINSIPE DILAN: magagalit na naman yun hahaha :-)
PRINSIPE DILAN: ako kabet hahaha!
PRINSIPE DILAN: ah kare-kare

Alma Pangilinan: hala di ko n naabutan lola ko eh? di naituro skin un.
PRINSIPE DILAN: hahaha:-)
PRINSIPE DILAN: o sige kalderetang baka…

Alma Pangilinan: what!
Alma Pangilinan: pano b lutuin un?
PRINSIPE DILAN: hahaha
PRINSIPE DILAN: ewan ko din.
PRINSIPE DILAN: o sige sinigang na baka.

Alma Pangilinan: ah sige yan lam ko na.
PRINSIPE DILAN: hahaha :-)
PRINSIPE DILAN: paborito ko yan.

Alma Pangilinan: talga bkt nmn baka….
Alma Pangilinan: baboy nlng
PRINSIPE DILAN: pero pinakapaborito ko kare-kareng baka at kalderetang baka or manok.
Alma Pangilinan: tgl plambutin un eh
PRINSIPE DILAN:: kasi hindi ako kumakain ng baboy
Alma Pangilinan: muka kang baka!!! ahhhahaha :-)
PRINSIPE DILAN: hehehe
Alma Pangilinan: ay mag 6 n abutan ako ng dilim sa labas teka out muna ako hon.
PRINSIPE DILAN: okei hon… love you ingats
Alma Pangilinan: ok lng
PRINSIPE DILAN: nya hahahaha
Alma Pangilinan: wow!!!
Alma Pangilinan: pag nbasa nnmn to ng bf ko sasakalin n ko nun
PRINSIPE DILAN: uu nga hahaha
Alma Pangilinan: nung nagwebcam tyo nhuli nya kaya ako kaya nwala agad me.
Alma Pangilinan: di nag iingat hehe.
Alma Pangilinan: cge maya ulit ha. or tommorow na. mag online k ha!
PRINSIPE DILAN: okei sige.

napakarami na nga namang nagbago sa mga buhay-buhay namin. pero yung friendship naman eh nananatili. minsan tuloy nakakalungkot kasi hindi na kaya pang ibalik kung ano ang nakaraan. nakakalungkot sobra!

sign forever

h1

dating tropa

Setyembre 14, 2007

deewan.jpg

noong bata pa ako… i mean mga 12 years old pataas pa lang ako, eh napakarami kong mga kabarkada, iba-ibang klase ng tao at siyempre may matatanda na at may mga bata pa din. mahilig kasi akong mag-explore at napaka-riendly kong tao.

madalas kaming tumatambay sa may Juderey Building na isang apartment sa tabi mismo ng bahay namin. naging ka-close namin noon yung mga Juderey Boys, sila yung mga taga-Mindoro na ni-recruit ng isa pa nilang kababayan na si Kuya Romy (na hanggang ngayon eh hindi namin sure kung me dugong berde ba) para magtrabaho dito sa Manila na tagagawa ng FRAMES. eh usung-uso pa noon yung cross stitch.

napakinabangan ko sila kasi yung mga nakasabit na frames sa bahay namin eh lahat eh galing sa kanila. ten years na pala ang nakakaraan.

————————————-

madalas nakong nakikipagharutan sa mga Juderey Boys na sina Andrean (na asawa na ngayon ni Jeanette), sina Rodney, Richard, Antonio, Phillip, Aris, Alfred, Jun, Raffy at Robin.

naglayas ako at sa kuwarto nila ako tumira ng tatlong araw. pinakakain, pinapasaya para hindi ako ma-boring. nakick-out kasi ako noon sa Pasay City Academy dahil sa isang napakababaw na rason. so yun na nga… ang pinakamabait sakin eh si Kuya Richard, grabe… alagang-alaga niya ako. siya ang katabi ko matulog at kakuwentuhan ko palagi at kasabay ko rin naman kumain. hindi siya nagsasawang nakikinig sa mga sinasabi at ikinukuwento ko sa kanya.

masaya ako na nakasama ko sa kanila. naaalala ko pa noon nang mag-away sina Jessa at Len-Len – hindi namin talaga alam ang rason ng pag-aaway nila, pero marami ang nagsabi na dahil daw sa pinag-aagawan nilang dalawa si Rodney, bunso ang tawag sa kanya at babyface talaga. napakakulit at napakabait na tao rin.

madalas ko rin kasama noon si Aris, hindi kasi siya regular employee kaya pa-extra extra lang siya. marami rin siyang kuwento, kaso madalas naman silang mag-tsongke, yun ang hindi maganda, para ngang nagsha-shabu pa ata sila. kaya nga ang tawag naman nila kay Andrean eh bangkay – sa sobrang kapayatan nito. maraming masasayang pangyayari noon, like doon kami tatambay kasama ang mga kabarkada kong mga kaedad ko, nagkukuwentuhan, naghaharutan, kumakain – hindi pa kasi kami umiinom talaga noon. kuwentuhan ng nakakatakot at kung anu-ano pa. yung iba ngang ginagawa namin eh medyo may kabastusan na kung ipopost ko dito, bahala na si Cleo na magkuwento ng tungkol doon.

makalipas ang maraming taon, nagkaasawa na ang karamihan… nakikita ko pa rin si Andrean dahil kapitbahay lang namin sila. si Rodney dumadalaw-dalaw at may pasalubong na Hopia kasama si Aris, si Kuya Richard… isang beses na lang bumalik at napakatagal na nun. Napakalaking pagbabago. bata pa ako noon at iba ang pakiramdam ko sa lahat ng bagay, nasisiyahan ako sa mga walang kuwentang bagay at kung anu-ano pa.

sa ngayon nasa alaala na lang ang lahat… isang napakagandang alaala.

sign forever

h1

nababanas ako…

Setyembre 11, 2007

kapraningan

naiinis ako – hindi ko alam kung bakit, basta naiinis ako! HAIZ! nakainom ako ngayon – nandito ako sa opisina pero nagbaon ako ng Gran Matador, para mawala lang yung asar ko.

hindi ako kumain ng lunch sa bahay – dire-diretso akong pumasok – pero dumaan muna sa Minsitop para mamili. late na ako nakarating sa office kahit maaga naman akong nagising. ang kinain ko lang ng dinner eh Cup Noodles lang – pansin ko nga na nangangayayat na naman ako. haisalamat! maluwag na ang body-fit na polo ko at maluwag na nga rin ang maong pants ko na suot ko kahapon. lalo pa akong mangangayayat kung tuloy-tuloy ang pagkaasar ko.

naaawa ako sa pamilya namin, nalulungkot ako kasi dumating na naman kami sa point na… yun na nga. basta naaasar ako. hindi ko mabilang kung makailang ulit na lumipad ang isip ko. ayokong ipagkalat ang sama ng loob ko – kaya basta lang matindi-tindi yung asar ko. HAIZ!

pasayahin niyo naman ako… :-(

kung andito lang si Jordan, iindahin ko lang lahat ng ito… pero wala siya kaya, maghihintay na lang ako sa pagbabalik niya – sa ngayon. asar ako, enough said!

sign forever

h1

kapag darating siya, darating siya.

Setyembre 10, 2007

kapraningan

nasubukan ko na naman ang pagka-psychic ko last saturday. masaya ako kasi feeling ko eh nararamdaman ko na paparating ang isang napakasayang sandali. well anyweiz. ka-boringan na naman ako nung Sabado. as in kain – kuwentuhan – tulog. tapos nung magising na naman ako – ginigising na pala ako ni Ex-Bro Ulikba Version – may naghahanap daw sakin. nang tingnan ko naman. nakkzzz, si Angel pala… yung pinsan ni Jordan na kapatid ni Badette.

“nanjan si Jordan!” sabi ni Angel. nataranta naman ako dun. akala ko naman eh hindi ako hinahanap ni Jordan – kasi feeling ko nagalit siya kasi iniisip niya na nagpalit na naman ako ng number para hindi na niya ako makontak nang tuluyan, buti naman at napag-usapan namin ng maayos – medyo nagkakailangan pa kaming pauwiin muna si Angel para makapag-usap muna. – si Jordan na msmo ang nagsabi sa kanya. nang papasok na kami sa kuwarto – nakatitig na naman ang dalawang epal.

3 weeks kaming hindi nagkita – masaya ako. SOBRA! pano ba naman, kani-kanina lang eh iniisip ko lang siya at napapanaginipan na bumalik na nga – tapos paggising ko… anjan na agad siya. haiz. nag-inuman lang kami magdamagan habang pinagkukuwentuhan ang mga nangyari sa mga buhay namin sa loob ng tatlong linggo.  lumagpas pa nga kami sa oras na kinakailangan eh umuwi na siya dahil malamang na hanapin na siya ng pamilya niya.

hinatid ko siya sa sakayan ng jeep – habang patindi nang patindi ang ulan… at kaming dalawa ay nasa gitna ng kalsada – kamay niya sa kamay ko – at ang isa niyang kamay ay nasa payong. umalis siya na iniwan ang pangakong babalik siya.

 sign forever

h1

bakit may mga taong ganun?

Setyembre 7, 2007

kapraningan

pag-uwi ko kagabi galing sa office… gaya ng dati eh nagkumpulan na naman sila sa room ni Mama, halos magkasunod lang kaming dumating ni Wennie, bumili kaagad kami ng makakain dahil nga medyo nagugutom na rin kami dahil parehong kagagaling lang namin sa work.

nang lumabas si Shiela, sinabi niya na hihiwalayan na raw niya si Deovit, ang current boyfriend niya. ngayon naman eh ipakikilala ko sila sa inyo.

SHIELA - siya yung tipo ng tao na pihikan sa paghahanap ng boyfriend. marami na rin naman siyang naging boyfriend na matitino rin naman. suplada siya dati pero nagbago na siya ng pananaw sa buhay mula nung magdalaga na nga. siya yung type ng girl na hard to get – at kapag nagka-bf siya… palagi niyang sinasabi na hanggang holding hands lang or kiss sa cheeks.

DEOVIT – although ngayon ko lang naman talaga siya nakilala, dati ko siyang schoolmate at classmate naman siya ni Shiela noong highschool kami. ngayon, sa nakikita ko ay napakatahimik na tao ni Deovit… hindi makabasag-pinggan ika nga ng iba. mabait, maalalahanin at higit sa lahat under-the-saya ni Shiela at sobra ang paggalang kay Shiela bilang girlfriend niya – hanggang kiss pa lang sa cheeks ang nagawa niya dahil ayaw naman niyang magalit si Shiela.

ang palaging topic sa life ni Shiela sa ngayon ay si Deovit – pero hindi niya talaga ipinapakita ang pagmamahal niya dito, pag nanjan si Deovit sweet naman sila – hindi nga lang PDA na naglalambutsingan sa harap ng ibang tao. madaling-araw umuuwi si Deovit – at nag-eeffort pa itong pumunta muna sa bahay namin para ihatid si Shiela sa work nito sa Makati – saka siya uuwi sa bahay nila sa Pasay.

last time nga eh nasabi ni Shiela na “naku Monthsarry pala namin ni Deovit ngayon… hindi ko man lang siya nabati!” isang example na hindi niya pinahahalagahan ang ilang simpleng bagay sa buhay nilang mag-nobyo (hahaha nobyo daw o!) palaging ikinukuwento ni Shiela kung paano niya anderin si Deovit.

tapos nga nitong gabi eh sasabihin niyang hihiwalayan niya na si Deovit dahil nga napaka-TORPE nitong tao. lumabas tuloy ang katotohanan, inalaska namin siya ng ate niyang si Wennie sa nasabi niya – so dahil nga babae siya, dapat ang gumawa ng first move talaga eh lalaki – okay sige tama yun, ang mali naman eh bakit ba naman kasi sinasabi pa ni Shiela na ayaw niya nang ganito ng ganyan – well natural naman na kung MAHAL ka ng lalaki – eh igagalang niya anuman ang naisin mo dahil ayaw niyang mawala ka sa kanya – or iginagalang ka niya – so stop saying na ayaw mo magpahalik, magpayakap, magpadila… etc. kung sa totoo lang eh gusto mo lang na siya ang mauna. haiz.

tapos sinabi ko sa kanya na baka hindi gaanong klaseng lalaki sa Deovit na magte-take advantage sayo kahit na tabi pa kayo matulog – tama na siguro yung nahalikan ka niya sa pisngi or makasama. sabi naman niya eh “naku kung alam mo lang, kaya nga ayaw ko magdididikit dun eh – lam mo naman ang mga lalaki… MALILIBOG!”.

hahaha! nakakatuwa naman yung sinabi niya – so lumalabas na ayaw niya naman magdididikit ke Deovit – tapos sabi niya TORPE daw… Oh C’mon! ano ba naman yun… hindi na lang niya sabihin na ayaw niya na nga kay Deovit.

saka niya naman ibinida ang Ex-BF niya na GINAGO daw siya – pero napakabait na tao nun! napaka-sweet… etc… etc… namimiss na rin daw niya si Jason (Ex-BF niya) so yun na nga… lumabas ang katotohanan, ipinanakip-butas niya lang si Deovit para makalimutan ang isang taong GUMAGO sa kanya – pero nananatili pa rin yung pagmamahal niya sa taong GUMAGO sa kanya… at gusto niya pa daw balikan.

———-

Shiela is one of my closest friends na nakilala ko mula pa noong bata ako at kasama ko hanggang sa ngayon – in short, kilalang-kilala ko na siya. pero ang PANLOLOKO niya sa or paggawang PANAKIP-BUTAS ang isang inosenteng tao ay hindi ko makakaya. She’s my friend! OKAY! She is my Friend… pero porke ba kaibigan ko siya eh kailangan matuwa na rin ako sa ginawa niya at magkunwaring walang alam kahit kaharap ko pa yung taong nagmumukhang tanga. haiz. napakahirap talagang intindihin ng mga babae.

bakit kaya may mga taong walang pakialam sa damdamin ng ibang tao? basta sila okay sila dinededma na nila kung anuman ang maramdaman nung taong ginamit nila – bakit kinakailangang may mga taong inosente ang masaktan, mabalewala – kahit wala naman silang ginagawang masama?

BAKIT NGA KAYA?

sign forever

h1

ang kupal na agent!

Setyembre 6, 2007

pinahanap ako ng boss kong Korean ng Math, Science and English tutor para sa dalawang batang Koreans. naghanap ako sa buy and sell. makalipas ang ilang oras ng madugong paghahanap ng “perfect” na subject…

- ipinangalandakan ko sa agent na ang kailangan ko is Ateneo or UP Graduate dahil yun nga ang sabi ng boss ko (hindi ibig sabihin nito na chaka ang ibang schools ha! basta lang gusto niya ng UP at Ateneo Grads) na inoohan naman ng agent na nakausap ko.

- sinabi kong 8pm ngayong araw na ito na magsisimula… kung hindi pwede e di huwag na lang (namimilit ba ito?)

- wala naman siyang tinanong kung pwede ba niyang kausapin yung boss ko… dahil nga ako na mismo ang nagbibigay ng detalye sa kanya.

- siya mismo ang nagsabi sa akin na bandang Greenhills ang ipadadala niyang tutor.

naisarado namin ang DEAL. dahil ayos na naman ang napag-usapan namin. nang mag-8pm na ay tinatanong na sakin ng boss ko kung nasan na ang tutor. sinabi ko rin sa boss ko na siya ang magbibigay ng pamasahe sa tutor everdyday at siya rin ang magpapakain dito ngayong gabi, ayos naman.

nang sumapit ang 8:40 PM, bigla akong tinawag ng boss ko na mukhang galit na galit. taga-MAPUA kasi ang ipinadalang tutor (again, hindi ko sinabing hindi maganda ang MAPUA… talagang UP at Ateneo lang ang trip ng boss ko!) ayos lang naman sa boss ko ang nangyari na MAPUA nga, ang problema naman ay late na late na nga silang dumating. sinabi ng tutor na kanina pa siya nasa labas ng gate kaso ay hinintay niya muna ang pagdating ng escort niyang matandang kolektor at isang boy, na late na late na nga daw dahil galing pa sila ng Quiapo.

ipinangalandakan pa ng matanda na galing nga siya sa Quiapo, traffic papunta sa Greenhills. 5PM na ako nakipag-usap sa boss nila kaya talagang matatagalan sila – una sa lahat, nais kong ipabatid sa inyo na sa Quiapo ako sumasakay papuntang Greenhills araw-araw at kabisado ko na na 1 hour ang byahe kapag heavy traffic, how come na nakausap ko sila ng 5PM eh huli na daw ang tawag ko.

eto ang ibang clips:

Agent: wala kaming sinabi na UP or Ateneo Grad.
Ako: kung wala kayong sinabi na UP at Ateneo Grad ang pupunta, bakit nandito kayo ngayon… e di dapat sana eh hindi ko na itinuloy ang pakikipag-usap.

Agent: gusto kasing kausapin ng boss ko yung mismong customer pero tumanggi ito (sabay turo sakin) dahil nga alam na daw niya ang lahat at siya na lang ang kausapin.
Ako: First of all, wala akong sinabi or walang demand ang amo mo na ang kakausapin niya ay ang customer mismo dahil nga ayos na ang pag-uusap namin, at hindi rin ako tumanggi na ipakausap ang customer sayo o sa kung sinupaman sa opisina niyo.

Agent: sinabi niya (turo ulit sakin) na ayos lang daw kahit taga-PNU o MAPUA ang ipadala namin. at hindi niya rin sinabi na mga KOREANS ang customer.
Ako: sinabi ko?
Agent: oo!
Ako: eh teka diba hindi naman ikaw ang kausap ko kanina, how come na alam mo ang pinag-usapan namin?
Agent: nasa tabi niya ako palagi dahil assistant ako, kaya alam ko ang mga pinagusapan niyo.
Ako: naka-speaker phone kayo? ang lakas naman ng pandinig mo.

Agent: sinabi niya kasi (turo sakin) na ayos lang ang taga-MAPUA, at sinabi niya rin na siya na lang ang kausapin at wag na ang kostumer.
Ako: ha? sinabi ko yun? pano mo nasabi eh ni hindi nga IKAW ang KAUSAP ko! recorded ba ang usapan namin, sige iparinig mo sakin? o ano tawagan mo yung sinasabi mong BOSS mo?

natameme naman ang punyetang agent. napaka-epal niya. haiz! nasira na naman tuloy ang araw ko sa kanya.

maayos naman ang usapan namin ng tutor – yung agent lang naman talaga ang madada – sinasabi pa ng agent na kung alam niya lang na KOREAN ang customer eh hindi na sila pupunta dahil mahirap kausapin ang KOREANS dahil pabagu-bago nga naman ng isip. buti nga hindi siya sinapak ng Boss ko eh halatang pikon na rin sa kadadada niya at pamimilit na bayaran ang downpayment na 1,250 – nasabihan tuloy siya ng boss ko na “do you think im stupid, to pay that much money!” oo nga naman… 3 years na yung boss ko sa Pinas at marunong na rin siyang mag-tagalog, alam na niya ang sistema sa Pinas gaya ng under-the-table sa mga legal at government offices – alam na niya ang drama ng mga nangongotong na pulis….etc. samakatuwid, kabisado na niya ang likaw ng bituka ng ibang pinoy – alam na niya kung gaano kabulok ang sistema ng Pinas. haiz, nakakalungkot isipin na eto na naman at pumangit na naman ang tingin sa atin ng mga dayuhan.

nagmagandang-loob na lang ang boss ko na bayaran ang FARE ng agent at ng tutor – although alam namin na nag-BUS lang sila eh pan-TAXI pa rin ang ibinayad, although sinasabi nila na ang TUTOR is from Fairview samantalang sinabi ng Boss nila na taga-malapit lang ang tutor – taga-CUBAO eh ayos padin. kilala ko na ang boss ko – three years na siya sa Pinas at kasama ako sa tatlong taon na yun.

sinungaling ang agent na yun. sampol pa ng kasinungalingan niya nang sinabi niyang ayaw magbayad ng boss ko dahil sinabi nito na wala siyang cash that time. mismong yung tutor na kasama niya ang nag-korek sa kanya na walang sinabi ang boss ko – guni-guni niya lang ata yun – o talagang sanay siyang magbali-baligtad ng kuwento. haiz, matanda na nga si manong – EPAL PA DIN!

sign forever

h1

anak ng pasig!

Setyembre 4, 2007

kapraningan

napanood ko ang i-Witness kagabi, tungkol sa ilog pasig ang kwento. haiz, kamustahin naman ang piso para sa pasig movement nila dati na wala namang kakwenta-kwenta… mag-2-2008 na pero ang pangako nilang Clean Water sa 2008 para sa ilog pasig eh napakalabong mangyari – e kung tanggalin na lang kaya nila lahat ng mga pabrika at squatters sa gilid nito, malamang na magkaroon pa ng pag-asa. ilipat nila ng venue diba?

anumang linis ang gawin nila sa DEAD RIVER na ito eh walang patutunguhan kung tuluy-tuloy naman ang pagtatapon ng kemikal na waste at basura dito. hindi mo tuloy malaman kung nagbobobo-bobohan ang gobyerno – kaya nga nilang magpalayas at manggiba ng bahay ng mga squatters sa ibang lugar, samantalang ang isang napakahalang lugar na kinakailangang ayusin eh hindi nila magawan ng paraan. LECHE! umiral na naman ang bulok na sistema ng Pilipinas. kawawang ilog.

kung malilinis at maisasaayos nila ang pasig river at ang paligid nito… isang napakalaking make-over ang mangyayari – malamang na pakinabanagan ng karamihan… hindi lamang ng gobyerno kundi ng ibang mamamayang pilipino. hindi ko isinulat ito dahil sa environmentalist ako or whatever, gusto ko lang makakita ng isang “pagbabago” na maipagmamalaki natin sa ibang tao – at siyempre sa buong mundo. at syempre gusto ko rin namang makakita ng napakagandang ilog sa pusod ng Manila na punung-puno na ng kasamaan, kalaswaan at ka-abnormalan. minsan kahit mahirap ang buhay – masarap pa ring tingnan ang kalikasan.

sign forever