h1

Naholdap ako!

Agosto 24, 2007

“life is like a box of chocolate, you never know what you’re gonna get!”

1

maaga akong nagising, kumain at nagbihis para pumunta ng Bureau of Immigration to pick up my boss’ passport. ang dinala ko lang eh ang celphone ko at ang wallet ko. natagalan pa akong sumakay ng PIER kasi nga namimili ako ng masasakyan… yun tipong wala masyadong sakay… kasi nga naman ang init ng panahon at ayoko makipagsiksikan. ilang jeep papuntang PIER na ang dumaan pero dinededma ko. hanggang sa natapat ako sa isang jeep na ala nga masyadong pasahero. habang papalapit sa QUIAPO eh isa-isang nagkakawalaan ang mga pasahero.

nang nasa tapat na ng QUIAPO CHURCH eh dalawa na lang kaming pasahero… ako at ang isang mamang naka-dilaw na nasa unahan. nang nasa foot na ng QUEZON BRIDGE eh me sumakay na tatlong lalaki. they look dirty pero ano naman ang i-eexpect mo sa isang public jeepney. inignore ko lang sila. nang nasa gitna na kami ng QUEZON BRIDGE, dinikitan ako nung isang lalaki at yung isang lalaki naman eh tinutukan na rin yung mamang naka-dilaw, samantalang yung isa naman eh nagsilbing look-out. eniweiz… sa TOTOO lang ha! hindi ako natakot or na-shock. ibinigay ko ang phone ko at ang wallet ko. buti naman at hinayaan niya akong kunin ang ID ko sa wallet at bente pesos. haiz. bumaba sila sa may riverside ng ILOG PASIG, kung saan eh wala naman talagang katau-tao knowing na 10am yun. ang aga nga namang holdapan PUCHA. amoy-rugby yung lalaki. rugby boy na chaka potah!

nang bumaba na ako sa tapat ng Immigration Office, saka ko napagtanto – PUSANG-GALA! ala na akong celphone. puro panghihinayang lang ang naramdaman ko… sayang naman talaga, ang mahal pa naman nun! hindi nga ako natakot dahil feeling ko hanggat hindi naman ako gumagawa ng eksena eh hindi naman ako gigripuhan nung paksyet na mama. hindi rin ako na-shock… EWAN ko nga ba? pero nalulungkot ako at nanghihinayang… haiz!

madaling-araw na ako umuuwi galing office pero kahit kailan hindi ako nakaranas ng pusang-galang holdap moment. ngayon na-experience ko na. napaka-pangit na experience nga naman. natuto na ako. kahapon lang eh naisipan ko nang gumawa ng isang napakalaking hakbang sa pagbabago… what a great way to start haha! eniweiz… magsimula na lang sa wala diba! so naiisip ko din kinakailangan bang lahat ng tao eh makaranas ng holdapan?

LESSONS:

 

1. wag sumakay sa kaloob-looban ng jeep – kung mag-isa ka lang dun ka mismo sa bukana para maamoy mo kung amoy-rugby ang papasok hahaha! at if ever na mukhang madungis or mukhang me binabalak na masama, madaling bumaba diba!

2. wag na wag ipamukha sa mga tao na may phone kang dala. iwasan ang pakikinig sa RADIO at pagtetext, kailangan kapag sa jeep ka sasakay kailangan TAGO ang lahat! naka-SILENT ang phone ha!

3. wag ilagay lahat ng pera sa wallet.

4. kung maganda ang unit ng phone mo – mas mabuting magdala ng dummy (phones na mga 200 lang like 3310) para kung me holdapan… ibigay agad ang punyetang dummy dahil hindi ka na nila hahanapan pa ng iba.

5. magdala ng baril (para tepok kagad ang mga paksyet na holdaper.

———————————- 

NOTE: nag-try akong mag-shala-shalahan kaya eto ang entring ito dapat ang entry ko today at hindi ang nasa itaas… 

i woke up earlier today because i need to go to the Bureau of Immigration to pick up the Passport of my boss. i was suppose to be there at 10am because that was the time written on the claim stub that i have. i didn’t bring my bag with me because i planned to go back home after i finish my business there. i just brought my mobile phone and my wallet. it was hard waiting for a jeepney ride at Lerma… actually i am very choosy on riding a jeepney. after 15 minutes of waiting for a “perfect” ride i’m on my way to PIER where the Bureau of Immigration is located.

then, when i was already at the foot of Quezon Bridge, 3 men got inside . i saw them and they look dirty but what can you expect on a public jeepney… i ignored them, after several minutes, the two of them shove themselves beside me, and declared a hold-up. SHIT! i can feel the silver knife pointing on my right side. i wasn’t scared or shocked! i never experienced a hold-up before… and this is my chance to experience it. WOW! the feeling is overwhelming haha! when they asked for “everything” that i have… i didn’t think twice… i gave it!

what do you want me to do? kick their ass… nah! my dream of being a superhero vanished right at that moment. maybe if i have some weapon to defend the life of my dear phone… maybe i fought for it. but like what i have said before, i didn’t bring my bag with me and i never thought of bringing any deadly weapon anyway. they got it! i wasn’t scared or shocked by the incident… i’m sad that i lost my dear phone… and i learned my lesson. case closed!

 sign forever

7 mga puna

  1. haaaaayyyyy sayang!!

    PRINSIPE DILAN: oo nga eh. kabanas na mga holdaper yan!


  2. ummm. hindi ko pa nararanasan mahold-up-an, pero i saw a scenario of it. yung classmate ko ang naging biktima. kinuha yung cellphone ng magnanakaw ng mabilis, tas biglang tumakbo. gago talaga yunnnn.. nakakainis pag naaalala ko. hehe.

    pero i’m glad na you learned something. and thanks for the tips. hehe. i’ll remember them! :]

    PRINSIPE DILAN: sana naman hindi mo maranasan. nakakapanghinayang lang po talaga. kakaasar talaga haiz.


  3. kapag sasakay ka ng jeep dapat doon ka sa harap. yun ang pinakamabuting gawin. kasi nung unang beses na naholdap ako, noong nakaraang buwan, nakaupo naman ako sa bukana, pero holdap pa rin. hehehe.

    PRINSIPE DILAN: naku la talagang ligtas kasi kapag nasa harapan ka naman. pipilipitin lang leeg mo. tapos yun na.


  4. Talagang ganun. May mga taong nakakaisip ng d makatarungang bagay. Naka-experienced na rin me ng holdap though d naman tlga ako naholdapan. Syensya na at medyo mahaba ang kwento. Basta dyan lang kayo, lalarga na ako.

    Aug of 2003 [umuulan pa, hapon]. Pauwi na kami ng classmate ko papuntang Marikina at sumakay kami sa may PUP-STA.Mesa ng Parang/NGI. Ung friend ko ay umupo sa may likuran ng driver at ako naman sa tabi nya. Umalis na ung jeep after mapuno. Pagdating sa may Hi-TOP Cubao, may sumakay na pitong lalaki at tlgang strategic ang pagkakapwesto nila. Naka-black jacket sila na parang MEN IN BLACK. Buti nlng alang shades [for identification purpose]. Nagawa pang mag-ayos para d mabisto. Tatlo ang nakasabit at ung apat ay kanya-kanya ng upo. Ung isa, nasa harapan ko pa at nakisiksik kahit na alam naman nyang puno na. At namumula ang mata ng minsang mapatingin ako (may sore eyes ata eh). Wahhh! Kkatakot talga un. Ung isa naman, katabi ng katabi ko. Pag ganun kc, alam mo ung instinct mo na parang may masamang mangyayari. So, ang ginawa ko, nakiramdam at minsan ay tumitingin sa kanila na parang ala lang. Makakuha lang ng palatandaan. Tapos ang sabi nung isang nasa harap ko “mga pare ako ang magsasabi kung san at kelan ah”. Hmmp! Ang sabi ko na nga ba. Nang sumimple akong tumingin sa kanya, ngak!!! may baril, pare. wahh! Nagkatinginan kami ng classmates ko parang sabihing “humanda tayo kung ano man mangyari”. Nagbayad pa ung nasa harapan ko ng P10 at nung tanungin ng driver na san bababa at ilan ung sa P10, ang sabi ng nsa harapan ko ay “pito po yan sa may Meralco. Ay d pala sa may 7-11. Basta dun”. Haller! P10 sa pitong katao galing Hi-Top papuntang Meralco or 7-11 or basta dun? “GOD, help us! GOD, send forth your most holy angels to us.” Un ang nasabi ko sa sarili.

    Bigla nlng po nagsabing “Ngayon na!” at pinagtututukan ng baril ang mga ka-pasahero namin. Ang nagawa ko ay pumikit at mag-pray. Ilang “Our Father” at “Hail Mary” din un. Tapos, bigla nlng silang bumaba at sumakay na naman ng jeep after nung sa amin. Hay!

    Na-report na namin sila sa police station. Feeling exhausted and relieved, I thank GOD that nobody got hurt during the hold-up.

    To sum it all, cellphones and other material things can be acquired but we can only live once. Value life more than anything and praise GOD for everything!

    AMEN!

    Sorry ah, mahaba. I hope, binasa nyo pa rin. Hehehe!

    Peace — I’m out! =p

    PRINSIPE DILAN: ayos sa kwento ah. katakot naman yun BARIL wahhhhh! sakin kasi kuntsilyo lang pero nakakatakot yung sa inyo GRABE! haiz.


  5. Yup. Medyo mahaba, syensya na pero ayos din dba? Nakaktakot tlga. Meron akong napanuod na balita kanina sa TV Patrol about snatching naman. Call center agent din ang biktima at babae ang snatcher. Naghihintay ng jeep sa may Espanya ung call center agent ng biglang agawan sya ng bag. Thank GOD, nahuli ang snatcher. Deny to death pa ang suspect pero in the end, umamin din.

    We need to be careful, guys. Pray and be vigilant!

    Sandali, san na nga ba ung bag ko???!! wahhh!

    PRINSIPE DILAN: hahaha. kakatuwa naman ito. kulit mo teh!


  6. Naranasan ko na ma hold up at please lang po Lord wag na sana maulit. Ewan ko ba naman kasi kung bakit may mga tao ang hilig sa buhay eh makinabang sa pinag hirapan ng iba.

    PRINSIPE DILAN: oo nga eh. mga walang kwentang tao talaga.



Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.