
pagbabalik-tanaw sa katangahan…
Hulyo 5, 2007
Hindi na ako makatiis, gusto ko na kasing i-update etong bago kong site eh, nangangati na kasi ang mga daliri ko sa pagtype sa keyboard para sa kauna-unahang entry ko. Okay lang naman na gumawa na ako ng entry basta ba ang diary ko ay sisimulan ko na nga sa mismong araw ng b-day ko which is July 12, 2007… may iba na rin kasing mga kaibigan ko ang nakakaalam ng www.dilan.co.nr, at malamang na hinihintay na nga lang nila ang aking kauna-unahang entry (he he he!)Sa totoo lang hindi ako marunong gumawa ng “panimula” sa alinmang ginagawa ko gaya ng pagsusulat. Hindi ko tuloy alam kung ano ang best way to start a new blog, kaya kakalkalin ko ngayon ang mga natitirang kaalaman sa utak ko just to give a decent entry…
—
Gaya nga ng sinabi ko, isa akong “frustrated writer”, feeling ko kasi ang galing-galing kong magsususulat nang mga bagay na maaaring kahit ano lang na mapansin ko. Bata pa lang ako mahilig na ako gumawa ng mga kwento, na nagsinula sa mga kasinungalingan, tulad na lang kunyari nung Grade 1 ako, hindi ako tumuntong sa Kindergarten dahil 6 years old na ako nun, malamang na hindi na ako tanggapin. Ayos naman ang naging interview ko with a very old teacher na naabutan ko pang naroroon pa rin sa skul ko until i graduated elementary. Yung techer na yun ampayat-payat, at ang ikli ng buhok, yung talagang pag nakita mo eh alam mong teacher nga talaga. Kasalukuyan siyang nagtatatatak ng kung anu-ano para sa charts. Success naman ang interview dahil makalipas ang 1 week, estudyante na ako.
Naaalala ko pa noon, papansin ako kaya nang magpabili ang kuya ko ng Folder eh nagpabili din ako kahit na hindi ko naman kailangan. Saka ko tinadtad ng Addition Table mula 0+1=1 (zero plus one equals one) hanggang sa ang naging sum na ito ay 200. Tuwang-tuwa naman ang nanay at tatay ko dahil nagawa kong mag-isa ang project ko (NOTE: alam nilang project ko talaga yun) na gawa-gawa ko lang naman. Pagdating sa eskuwelahan, tsinekan ko lahat… isa-isa at ang gamit ko ay yung bolpen mismo na ginamit ko sa paggawa nun (feeling ko kasi noon hindi halata yung ganun) pag-uwi ko, tuwang-tuwa silang lahat, ang galing-galing ko daw… nang lumaki na lang ako saka ko nalaman na hindi ko sila naloko at nagmukha talaga akong gago. Pano ba naman nilagyan ko ng score na 100% yung isang side ng folder at 100% ung isa pang side na puno rin ng Additions ko at ang nakakatawa pa… Syet! nilagyan ko ng Average na 200% ang project ko… Bwa ha ha ha ha! So nung bata pa lang ako mahilig na akong gumawa-gawa ng mga istorya para lang maging bida.
Kalaunan, nung nagkaroon na ako ng mga kabarkada at mga natatanging mga kaibigan, pero this time maingat na ako sa mga ginagawa kong istorya na napapaniwala ko naman sila. Masarap kasi yung pakiramdam na nakikinig sayo ang lahat, para bang ikaw lang ang may kakayahang gawin ang mga bagay-bagay pero ang totoo Chinacharing mo lang pala sila pare-pareho. In the end makalipas ang ilang taon, inaamin ko rin na joke lang yung pinagsasasabi ko sa kanila, pero nagpapasalamat pa rin sila sakin dahil sa mga gawa-gawa kong kuwento, nabuo ko ang mga kulang na piraso ng pagkatao nila, naturuan ko silang maging matapang sa pagharap ng kahit ano lang nba dapat na harapin.. iniisip kasi nila na kung kaya ko kaya rin nila.
—
Siguro eto na muna para sa ngayon… maya-maya mas malulufet at mas nakakatuwang entries na po ang itatadtad ko. ha ha ha! so long suckerrrzzz!







