Imbakan para sa Hulyo, 2007

h1

July 31, 2007

Hulyo 31, 2007

diary2

July 31, 2007 – TUESDAY

- naging maayos naman ang paggising ko. maaga ako nagising kaya napakaaga ko rin pumasok 1 hour earlier ako pumasok kaya nakakatuwa kaso napakainit dahil hindi pa bukas ang aircon. naayos na kami ni Andeng he he! nakakatuwa pa kasi tamang hinala ako. dumating sina Katya at Carmela (ang mga baklang bato) sa office para manggupit, mag-hotoil, mag-manicure, mag-pedicure atbp. dumating din ang manikuristang si Aling (teka na-forgot ko hehe). nagkaroon ng commotion he he! ang saya.

sign forever

h1

Sori ha!

Hulyo 31, 2007

praning 

ha ha ha… as in sobrang nakakatawa na nakakahiya ang araw ko. kasi meron akong officemate na medyo naka-tampuhan ko dahil nga noong Friday… pero kahapon nga nag-doubt na rin ako na baka mali nga ang iniisip ko. kani-kanina lang kinausap niya na ako regarding that matter (wow naman!) naayos naman na namen at nakakausap ko na rin naman siya.

den meron siyang i-pinost sa bulletin na “To all English Instructors… ONLY!” so dati kasi sabi ko sa kanya… “bat naman all English Instructors lang?” ha ha. so naisip ko na baka nga naman ako na agad ang pinatamaan… DEADMA lang. then nakita ko ang Shout-Out niya sa friendster na “If you want to confront someone, do it and don’t be a tattletale ’cause that really sucks!”…. waaaaaaaaaah! anyways agad ko namang hinanap sa dictionary ang salitang tattletale (kasi hindi ko alam yun hehe!) at ang meaning pala ng tattletale ay:

noun.  
—One who tattles on others;
—an informer or talebearer.

adjective.  
—Revealing;
—telltale.

kasi nga naman naalala kong i-pinost ko yung matter na yun sa blog ko at nag-ask din ako sa ibang tao about that matter (matter nang matter ha ha!) kaya naisip ko naman na malamang na AKO na nga ang pinatatamaan niya… well well well, i went down sa pantry para magtimpla ng juice at nang pagpasok ko nga sa office… kinausap niya agad ako. natatawa siya sakin dahil nga masyado akong matampuhin at pa-guilty pa he he. mali pala ako. hindi pala ako yun, at yun na nga inexplain niya sakin ang lahat nang mga dapat kong maintindihan na hindi ko malaman kung bakit bigla naman akong nahiya ha ha! hindi pala ako yun he he.

UI officemate… I’m Really Really Sorry! Ha ha… isip-bata nga talaga ako kasi naisip ko na ako yun na hindi naman pala. bwa ha ha ha ha! nakakatawa tuloy ako… MA-EPAL ha ha!

sign forever

h1

Insomniac

Hulyo 31, 2007

 praning

pansin ko lang kagabi… PUCHA! hindi na talaga ako makatulog nang normal. dalawang gabi ko nang napapansin na hindi ako makatulog ng mga 2am, kailangan mga 3am pataas… PUCHA TALAGA! Me Insomnia na ata ako Waaaaaahhh!!!

kanina, bago ako pumasok sa office (in fairness sobrang aga ko malamang na wala pang 1pm nasa office na ako eh 2pm naman ako pasok ko hek hek hek!) nadaanan ko sa tapat ng bahay nila ang ex-bestfriend kong si Arnold, kasama ang bayawak niyang si Joshua wa he he! so wat… dire-diretso lang ako sa paglalakad, kunwari hindi ko sila nakikita he he he. BULAG BA AKO? ha ha ha! (parang ansaya ko ata?) la lang natanggal na rin kasi ang guilt ko sa sarili ko eh. sure na ako na ala na ako pake sa ex-bestfriend ko.

kahapon nag-comment sa friendster account ko yung isa kong kaibigan. na-mimiss na daw niya yung mga dati naming ginagawa like pagtambay together, kwentuhan na walang humpay at harutan… ako ewan ko pero hindi ko naman na-mimiss yung mga pangyayaring yun… siguro nga MANHID na rin naman talaga ako. kasi dedma na ako sa mga sentimental values eh. pero yung mga dati ko pa rin namang mga memories or gamit eh tinetreasure ko pa rin naman, ayun at nakatambak sa cabinet ko, punung-puno na nga sa sobrang dami eh.

—–0—–0—–0—–

natutuwa naman ako kasi marami-rami na rin akong “VIEWERS” ko dito sa site ko he he he! salamat kina Barbara Bakal, Nash, Toto Leyt, sa friend kong si Pradz at siyempre sa bago kong friend na si EMO SEVENFOLD! tnx sa inyo he he he! napapansin ko rin na kariran na ang blogging na ito he he he! ui in fairness napapansin kong lagi nang may mga comments yung mga entries ko he he he!

kung gusto niyong mabasa nga pala yung dati kong blog, hindi ko na ina-update yun kasi nga eto na yung pangalawa kong blog, pero wala rin naman akong balak na burahin yun nga pala yung RAPSODI ko. at sa mga gusto namang basahin yung OTHER SIDE KO… ui updated yun hah! PRINSES CLEO! so yun na enjoy na lang po and wish ko lang eh magsi-comment din kayo doon he he!

sign forever

h1

Eh Kung Ma-Tegi Ako?

Hulyo 30, 2007

lapida

may bagay na kumukulit sa utak ko mula pa nung Biyernes ng gabi. may isang tao na nag-wish na ma-tegibumz na ako… i thought friend ko siya pero sa nangyari, hindi ata eh. tuwing natutulala or natatameme ako, pumapasok sa kukote ko ang nasabi niya that night… “pwede ka nang mamatay!” na medyo pabulong na hindi ko maintindihan. basta kapag naaalala ko, nababanas ako… nang makaharap ko siya, ayos naman… hindi nga lang ako nagsasalita. iniisip ko na baka naman mali lang ang rinig ko or whatever, kaso yung isa ko pang friend na nasa scene ng crime eh narinig din yung sinabi niya. naguguluhan lang ako kung bakit parang hindi ako sure pero i swear naman na narinig ko talaga at narinig din naman ng friend kong isa pa. mabait naman siya, at religious… pero yung moment na yun, nag-iba ang pagkakakilala ko sa kanya. eniweiz… hindi naman ako galit, siguro nabigla lang ako sa nasabi niya.

iniisip ko rin na baka sa sobrang pikon niya sakin dahil kinukulit ko siya. ah basta. deadma na lang ako sa ganyang topic, kaso ang problem ko, ano na ngayon ang ipapakita kong AKO sa kanya, yung makulit pa rin ba o yung tahimik na… well siguro mananahimik na lang ako at mag-iingat sa pakikipagbiruan, isip-bata kasi ako lalo na pag asaran at kulitan na ang nangyayari, sobrang mapang-asar at sobrang kulit ko… so naisip ko na, hindi pala kami magka-edad kaya iba kami ng wis sa buhay like, mas mature siya kaya kailangan ang kabiruan o ang kakulitan niya ay mga mature din kasi sila lang nagkakaintindihan. wish ko lang talaga mali ako ng dinig, kaso sana mali din ng dinig yung friend kong nakasaksi sa lahat. hindi ako sure so wala akong karapatang magalit as of this moment noh. and hindi rin naman ako magagalit kung totoo ngang nasabihan niya ako na ma-tegi ako, kasi siguro (siguro) kasalanan ko nga kasi maharot ako he he he :-)

kaso iba na ang pakikisama ko sa kanya. yun bang hindi na as friends, as officemates na lang talaga diba? kasi officemate ko lang naman siya at eto ako na nag-fee-feeling friendship diba? hek hek hek! so yun na nga, wag nang palakihin ang isyung ito. so kung anuman ang nasabi niya… tao lang din naman siya, baka napikon kaya nabigla sa mga nabitawang salita, or na-possess (tama ba spelling?), at sa pangyayaring iyon, hindi na ako bilib sa kanya… ngayon ko napatunayan na everyone has their own DARK SIDE! nasakto lang na ako ang nakakita nun.

sign forever

h1

July 30, 2007

Hulyo 30, 2007

diary2

July 30, 2007 – MONDAY

- another start na naman ng week. meron akong masamang balita pero as of now eh sasarilinin ko muna kasi hindi pa naman ako sure about this news eh. eniweiz… para akong adik kanina kasi 6am na ako natulog at nagising naman ako ng 11am (not bad) ewan ko nga ba kung bakit hindi ako makatulog kagabi, kasi dahil siguro sa nagising ako ng 11pm he he he! so eniweiz, maayos naman ang pasok ko. maghapong nakihalubilo sa lahat ng tao at naging maayos naman ang lahat pero medyo ilang pa rin ako sa isang tao na nakaharap ko. hindi naman masyado boring kasi ang pinaka-boring lang talaga ay ang SATURDAY at SUNDAY kaya nga naisip kong kinakailangan ko na talagang magsimba this Saturday dahil naramdaman kong nakakalimot na naman ako sa buhay ko. masaya naman ako lalo pa at pina-BURN ko na sa friend ko na si Jerico ang Latter Days (bwa ha ha!) so malamang na mapanood ko na ito later (excited!!!) so yun lang la na ako masabi.

sign forever

h1

July 29, 2007

Hulyo 30, 2007

diary2

July 29, 2007 – SUNDAY

- tanghali na ako nagising. diretso kaagad akong nanood nang nanood ng TV dahil nga weekend kaya malamang na wala talaga ako magawa maghapon. dumating pa nga sina Wennie, Shiela at Joy… kaso boring pa rin at natulog na naman ako. sanay na rin naman kasi ako na nakikita ko tong tatlong sisters na ito kaya hindi na ako excited, pwera na lang kung totoma at magvivideoke or manonood ng sine bwa ha ha! pero talaga in fairness napakawalang kwenta kong tao talaga at wala pang anda ha ha ha! di ba nga kung me anda ako edi nagliwaliw ako ha ha ha!

sign forever

h1

July 28, 2007

Hulyo 30, 2007

diary2

July 28, 2007 – SATURDAY

- as ussual, maghapon na naman akong tulog. kain-tulog-nood tv yun lang mga ginawa ko ala na. he he he! nakakaboring lalo pa ngayon na hindi na madalas ang pagpunta ni Jordan sa bahay. kasi dati every saturday, pinupuntahan niya ako… pero dahil nga pagkalayu-layo na ng tinitirhan nila… la na. minsan na lang sa isang buwan ha ha ha! so yun na nga nagpaka-adik ako sa pagtulog at nanaginip nang nanaginip.

sign forever

h1

Back 2 Gendai!

Hulyo 27, 2007

praning

nagtataka rin naman ako sa sarili ko kung bakit hirap-hirap akong magpakatino… LECHENG buhay to! eniweiz, malamang na mamayang gabi ay bumalik na ako sa dati kong room na pinangalanan kong Gendai, kung saan ay naging tambayan din naman ng mga barkada ko sa napakahabang panahon. marami rin namang masasayang pangyayari sa Gendai at meron din siyempreng mga tragic moments, madalas din na mag-isa ako doon na umiinom or nag-iiiyak. kaya napaka-memorable ng lugar na iyon sa akin.

kailan lang kasi nang lumipat ako sa third floor sa isang napakababaw na dahilan… TINATAMAD AKO! kasi last time nga eh doon kami natulog ni Jordan sa Third Floor para if ever na me maghanap sa kanya sa kuwarto ko na madalas na pinupuntahan niya dati… eh hindi kami makikita dahil nga nasa taas kami. inilipat namin ang kutson, kumot, mga unan at electric fan sa bakanteng room sa third floor, at doon na kami palagi everytime na pupuntahan niya ako at doon siya matutulog. so ilang beses ko ring binalak na bumalik na sa original room ko pero tinatamad naman akong ayusin yung mga ipinanik naming gamit. kakatamad kasi ambigat ng kutson noh!

malamang na mamaya eh sigurado na ang pagbabalik ko sa original room ko dahil nga magrerent na sina Ace at Jeng-Jeng doon, dati kasi doon sila sa kabilang room pero kasalo nila ang bestfriend ni Jeng-Jeng na si Jerevie, ang asawa ni Jerevie na si Jimmy at ang anak nitong si Jemimah. so bubukod na ang magka-live-in, at yun na lang ang vacant room na pwedeng rentahan so dun na nga sila. isa pa, masyado akong naiinitan sa kuwartong iyon, malaki nga malaya kang makakagalaw at magpatambling-tambling pero sa kagaya ko na hanggang tanghali eh tulog pa… hindi pwede kasi nga mainit doon, hindi gaya sa Gendai (original room ko) na nasa first floor na at napapaligiran pa ng concrete kaya malamig talaga kahit na wag nang gumamit ng electric fan. so mas masaya ako sa Gendai (he he he!) at malamang na napakaraming kalokohan na naman ang mangyayari sakin doon dahil free as a bird ako dahil nga iyon ang unang room pagpasok sa bahay namin.

sign forever

h1

July 27, 2007

Hulyo 27, 2007

diary2

July 27, 2007 – FRIDAY

- ayos naman… saktong-sakto na ang gising ko. nanood na naman ako ng paborito kong Super Gals at School Rumble (araw-araw sinusubaybayan ko yan) sa Hero TV… WAHhhhhhhhhhhhhhhh! tuwang-tuwa talaga ako sa anime na yan. habang papasok ako nakatulog ba naman ako sa bus… at saktong dilat ko ay nasa Madison na ako kaya nataranta talaga ako at baka lumampas pa ako ng patutunguhan he he he.

- lalong sumasakit ang dibdib – braso ko, may pilay nga ata ako Potahkte naman o! ansakit kaya at talagang nahihirapan na ako. yung black-eye ko naman keri ko na medyo sanay na rin akong nakasuot ng eyeglass tuwing lalabas ng bahay. at ngayon ko lang napansin na bagay pala sakin ang eyeglass he he he. natutuwa ako kasi marami-rami na rin ang nagbu-view ng blog kong ito… at sa bago ko ring kaibigan na si Emo Sevenfold! nakakaasar kasi hindi ko maiuuwi ngayon ang ipapa-burn ko sanang movie na Latter Days na isa sa mga pinakaaabangan kong movie SYET talaga kasi malamang na sa Monday ko pa ito maiuwi. hindi ko na naman nagawa yung Project. yari pramis next week gagawin ko na talaga…

sign forever

h1

Hindi naman ako Manhid.

Hulyo 26, 2007

praning

bakit kaya napakahirap magpatawad? kahit kasi isipin mo pa na “ang diyos nga nagpapatawad, tayo pa kayang mga tao lang?” eh kulang pa din… madaling sabihin sa ibang tao na humihingi ng payo na “patawarin mo na kasi” pero kapag ikaw na ang kinakailangan magpatawad sa isang tao… la na! matigas ka na, kadalasan kasing umiiral ang PRIDE. minsan hindi natin inaamin na ma-pride nga tayo pero reality check, ganun naman talaga.

marami na rin naman akong pinatawad na tao… kapag nakaaway kita, kausapin mo lang ako at patawanin ayos na ako. naaalala ko pa noon si Arnold (ang ex-bestfriend ko) napakama-pride niyang tao, palaging ako ang nauunang makipagbati sa kanya kahit na siya pa ang may kasalanan sakin, nung mga bata pa kami noon, pero ngayon bumaligtad na ang ikot ng mundo para sa amin, ako na ang ma-pride. kaya ko pa rin namang patawarin ang isang tao… pero hindi na kagaya ng dati ang samahan. natuto na rin ako sa wakas. minsan kasi kapag okay lang sa iyo ang ginagawa ng ibang tao, inaabuso ka… pakiramdam nila malaki silang kawalan sa buhay mo, pero sa totoo lang, ikaw lang naman ang pilit na pinahahalagahan siya kahit na alam mo na wala naman talaga siyang kwenta.

senti-sentihan na naman ang drama ko ngayon… BAKIT KAYA? dahil ba sa broken-hearted ako? NYAAAHHH! hindi ah. dati madalas ako masaktan sa mga minamahal ko, ipinagpipilitan ko ang sarili ko at hinahabul-habol ang mahal ko at nagmamakaawa na mahalin niya rin ako, hindi lang isang beses.. madame-dame na rin, sensitive kasi akong tao noon, konting di-magandang word na masabi mo saken, tampo na ako, tampo lang kasi hindi naman talaga ako nagagalit. pero sa ngayon SYETNESS! napakalaki na pala ng ipinagbago ko nang hindi ko man lang namamalayan. hindi naman ako manhid, alam ko pa rin naman kung sino ang mga nagmamahal sakin, pero ang problema, pag hindi kita gusto… kahit magtatatambling ka jan at magpaka-sweet… corny lang ang tingin ko sayo. iba pa rin naman kasi kapag yung nagmamahal sa iyo ay mahal mo rin talaga. kilig moments palagi, pero kapag hindi naman… boring! BADTRIP kaya magmahal! kadalasan masakit at nakakasama ng pakiramdam. hindi naman ako manhid, hindi rin naman ako gago… pero sa ngayon, wala pa akong mahal o special someone na pwede kong ibigay ang buong ako. ewan ko nga ba. madali na rin kasi akong makalimot sa ngayon, wag ka lang magpakita sakin ng ilang linggo, dedma na ako at ni hindi ko na hihintayin ang pagbabalik mo. buti na nga lang at naging ganito ako. isang napakalaking advantage kasi bihira na lang ako magmukhang tanga at masaktan… at least STRONG na ako.

sign forever